Chapter 39: My savior

2.4K 85 0
                                    


Kaine's POV

I sigh

Ginupitan ko talaga ang mahabang kong buhok. Noong una nag dadalawang isip pa ako, dahil sobrang haba na ng panahon na hinintay ko para lang pahabain ito, hindi ko na nga napansin na  hanggang bewang na pala ito. Kahit nasasayangan ako, pinutulan ko parin ito, wala eh sa ganitong pamamaraan ako nagmomove on.

Maraming nasayangan at marami ring nagandahan. Mas mukha daw akong naging mataray at parang mas gumanda daw ako dahil sa buhok ko.

Aish, yung pagiging mataray... Talaga? Mukha kaya akong mabait sa buhok ko ngayon, diba guys?

Tsaka mas gumanda? Aba! Dapat lang! Pero nasa lahi na talaga namin ang itsurang maganda! Wapak!

Medyo nakakapagod din pala talagang umiwas no? Inaamin ko, umiiwas na ako kay Blaze. Medyo mahirap para sa akin gawin ito. Medyo nasanay na kasi yung katawan sa kakasunod sakanya kahit saan siya mag punta, yung bibig ko na hindi na masyadong nagsasalita, dahil wala naman akong dadaldalin eh. Para saan pa?

Nagulat nga sila ng makita nila na maikli na yung buhok ko e, lalong lalo na si Blaze. Hinding hindi ko malilimutan yung mukha niya noong mga oras na una naming pagkikita, akalain mo nakanganga siya ng makita ako hehehe. Tsaka gusto kong sabihin sakanya na 'Ano ka ngayon! Blaze? Ito na yung kaine na nagmomove on' Pero wala akong lakas ng loob sabihin yun dahil nasasaktan parin ako.

Madalas ko siyang nakakasalubong sa Hallway, pag papasok na ako sa room. Pero sa tuwing makakasalubong ko siya, iiwas nalang ako at hindi ko nalang siya titignan. Gustuhin man siya tignan ng mga mata ko, pero hindi pwede, kailangan ko itong pigilan. Malapit lang kasi yung room nila sa amin, kaya madalas kaming nagkikita. Aish, paano ako makakamove on kung lagi ko naman siyang nakikita diba? Argh!

Pero inaamin ko malakas parin talaga ang tama ko kay Blaze. Kapag nakikita ko siya, andun parin yung slow motion kapag naglalakad siya palapit sa akin. Kapag napapadaan ako sa swimming pool at nakikita ko siya na walang pang itaas. Pakiramdam ko sobrang nagiinit yung mukha ko nun, hehehe. Hindi ko naman sinasadyang mapadaan sa swimming pool nun eh, dahil meron lang akong ipapasa na mga papeles sa building S kaya ako napadaan doon. Hindi ko sinasadya na makita siya doon at mapatingin sakanya hehehe. Pero isa lang ang masasabi ko ang gwapo talaga niya kapag wala siyang pang-itaas hehehe, yung six packs abs niya grabe (OmO)

At nung nasa canteen kami noong kasama ko si Kyo. Na tanong tuloy ako ni Kyo noon at syempre kailangan kong sagutin yung mga tanong niya, napansin niya siguro na may problema ako. Problema sa pag-ibig. Huehue. Kilala namin ni Kyo ang isa't isa, kahit matagal na kaming hindi nag kasamang dalawa. Alam namin kung may problema ba o wala.

Sinabi ko sakanya yung totoo, na broken hearted ang bespren niya. Para bang gusto ko umiyak noong hinawakan niya yung kamay ko.

Pero walang tumulo na luha dahil hindi nga masyadong showy ang luha ko, pag dating sa feelings.

Nakakaramdam ako ng awkward noon ng dumating sila. Yung tatlong lalaking yun. Hindi ko nga ini-expect na tatabi sila sa amin, sa dami ba naman ng bakanteng upuan sa amin pa sila naki share. (-__-) hindi naman na ako maka tanggi dahil nakaupo na si Ryu sa tabi ni Kyo. Kaya pinabayaan ko nalang sila.

Nakakailang nga dahil nandun si Blaze at ramdam ko naman na nakatingin lang siya sa akin that time, kaya tinuon ko nalang yung pansin ko sa libro. Kunware hindi ko siya napapansin sa pinaggagawang titig niya sa akin. Hindi ko ba alam kung kikiligin ba ako sa pagtitig na ginagawa niya sa akin, o maiinis o maiilang o maasar. Ewan ko ba! basta yun!

Pero iisa lang ang tinitiyak ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko noong nandun siya, lalong lalo na nung nag suggest siya ng Wedding booth. Nag day dream pa nga ko nun na ikakasal kami doon.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon