Chapter 44: Festival

2.5K 85 3
                                    

Zoey's POV

Ang bilis talaga lumipas ng mga araw. Parang kailan lang ay kaka transfer ko lang dito sa RU. At ngayon, festival na agad.

Nasa school na ako ngayon. Hinatid ako ni Kuya Gin, alam niyo naman yung pagmamaneho niya diba? Mas mabilis pa sa pagsundo ni kamatayan! Masaya ako at bumalik na ulit si Kuya sa dati. Ang ibig kong sabihin bumalik na ulit siya sa pagiging bully sa akin. At mapanakit na siya! Mapanakit ng damdamin huhuhu! tagus tagusan siya mag salita! ang taba taba ko na daw huhuhu.  (╥__╥)Hindi dapat ako masaktan, pero noong nakita ko yung sarili ko sa salamin. Huhuhu! totoo nga...

Bago kami pumunta ng tuluyan dito sa school ay dumaan muna kami sa Ospital. Para dalahan ng pagkain at pang palit sina Dad at Zatchi. Hindi parin kasi nagigising si Snow white ko eh.

"Guys! Malapit na yung oras, double time" pumapalakpak pa si Red.

Si red kasi ang leader namin sa section 12. Siya rin ang naka assign na mag assign ng mga tao para sa mga designs na gagawin para sa horror booth namin.

At isa ako sa mga inassign niya na maging isang white lady, dahil daw mahaba ang buhok ko. Ibigay ko nalang kaya itong buhok ko sakanila para naman sila na ang maging white lady!

"Kyo, isuot mo to" tumayo ako ng tuwid ng isuot sa akin ni Red ang puti at mahabang damit. May ilang punit ito at sa bandang tagiliran at may ilang patak ng dugo. Hindi talaga yun dugo, food coloring lang na pula yun hehehe.

Pumunta naman siya sa likod ko at nagulat ako ng tinaliaan niya yung buhok ko.

Paano niya nagagawa yun? Hmm...

Ang galing naman niya..

Hindi kaya naging bakla siya dati kaya niya nagagawa ito? Okaya may girlfriend siya dati at siyang yung nagtatali ng buhok ng girlfriend niya. Kaya siya siguro natuto ng ganito?

"Ayan, para hindi ka masyadong mainitan." Ngumiti ito sa akin.

Ang bait namang leader nitong si Red. Napaka maalaga. Pero meron din time na lumalabas ang pagiging mayabang at mahangin niya! HAHAHA!

"Hoy! Ryu! Ang tagal mo diyan! Ano nakatulog kana ba sa paglalagay mo ng dugo diyan sa bibig mo? Ha?" Natatawang sigaw ni Red sakanya.

Si Ryu kasi ang inassign niya sa pagiging bampira.

Naka white long sleeve siya na may black coat. At naka pants na black. Naka bukas ang dalawang butones nito at kitang kita ko ang dibdib niya.

Anak ng! ang laswa niyang tignan!

Lumapit ito sa amin.

"Naks! Ang gwapong bampira naman ng tropa ko. Sample nga!" Panghahamon ni red sakanya.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang ko at hinatak niya ako palapit sakanya. Nanlaki nalang ang mga mata ko ng dinikit niya ang pangil niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko yung pangil niya na parang bumaon sa leeg ko. Bwisit talaga tong lalaking to!

"Waaah!" Tinulak ko siya at lumayo ako ng kaonti sakanya tsaka ako napahawak sa leeg ko, kung saan niya dinikit ang pangil niya. Kunot noo ko siyang tinignan.

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Huhuhu nakakatakot siya meron pa siyang contact lenses na kulay red. Huhuhu, para talaga siyang totong bampira!

Nakangisi siya sa akin at para bang may pinupunasan pa siyang dugo sa gilid ng labi niya.

Teka dugo ko ba yun? Mukhang hindi. Teka inaakit ba ako nito? Teka mukhang malabo ata yun.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon