Chapter 12: Awkward

3.6K 98 0
                                    


Red's POV

Nasa tambayan ako ngayon, nakakatamad talaga kasing pumasok lalo na pag monday. Ayoko namang mag stay sa bahay dahil naririndi na ang mga tainga ko sa boses ni Janine. Oo, lagi kasi siyang pumupunta sa bahay tapos kinakalabog ba naman yung gate namin, na akala mo masisira na sa kakahampas niya. Atleast dito sa tambayan, tahimik at walang ibang tao kung hindi ako lang. Dito kasi sa school, hindi sila nagpapasok ng ibang tao lalo na't wala kang letter o permiso galing sa dadalawin mo. Diba parang presinto lang to? Angas kaya! kaya nga dito ako nag-aral eh, dahil sa rules nilang kakaiba. Sinalpak ko sa tainga ko ang earphone ko at nagpatugtog nalang ng kanta, nagiging boring talaga ang buhay ko kapag walang kasamang tao. Pero pagdating sa tugtog, nabubuhay ang lamang lupa ko at dugo ko.

Hanggang sa naalala ko na meron palang gitara na nakatago sa storage room ng tambayan. Tumayo ako para kunin ito, nang makuha ko ito ay umupo ako sa sofa at nag-isip kung ano ang kakantahin ko. Lakas maka senti pag nag-iisa, hay yung mga tropa ko naambunan ng kasipagan kaya nasa klase, at ako? Hay! tinggal ko ang earphone ko at nag umpisang mag strums.

"Once I was seven years old, my mama told me,
Go make yourself some friends or you'll be lonely.
Once I was seven years old ♪"

Naalala ko tuloy noong una ko silang makilala. Nakikipag sapakan ako sa kalye nun dahil inaabangan ako ng mga Classmates kong mga nanmbubully sa akin, Naiinis na kasi ako sakanila dahil araw-araw nalang yung pambubully na ginagawa nila sa akin, kaya nakipagsapakan na ako sakanila. Doon ko sila unang nakilala, nakaupo ako sa sahig nun at si Ryu ang nag abot ng kamay para tulungan akong makatayo at sina Maru at Blaze naman nakikipagsuntukan na sa mga sumapak sa akin. Ang tagal narin pala, simula naming makilala ang isa't isa.

"It was a big big world, but we thought we were bigger
Pushing each other to the limits, we were learning quicker
By eleven smoking herb and drinking burning liquor
Never rich so we were out to make that steady figure ♪"

Nakakarelax talaga pag nakaka tugtog ako ng gitara at nakaka kanta ako, mas gugustuhin ko naman itong ginagawa ko kaysa sa mag-aral. Kung music lang sana lahat ng subjects, siguro hindi na ako aabsent nito. Baka ako pa nga ang perfect attendance eh.

"Once I was eleven years old, my daddy told me,
Go get yourself a wife or you'll be lonely.
Once I was eleven years old ♪"

Humina ang boses ko ng may mapansin akong sumilip. Nang makita ko si Kyo na sumilip ay tumigil ako sa pag gigitara ko. Binuksan niya ang pintuan.

"Hi, sorry kung naistorbo kita ah" ngumiti siya

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?

"Pasok ka muna" pagaalok ko sakanya at tumango naman siya at pumasok siya sa loob.

Inilabas niya yung mga papel sa bag niya, papel kung saan nakasulat yung mga assignments namin. Inabot niya ito sa akin at inilapag ko naman ito sa tabi ko.

"Marunong ka pala mag gitara, tsaka yung boses mo--

Biglang nag bell kaya napatigil siya sa pagsasalita niya.

"Sorry, but I have to go.. Bye" Agad-agad siyang nagtungo sa pinto "Kyo" nilingon niya ako ng nakangiti "See you around" nginitian ko siya, tumango naman siya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Dapat itatanong ko siya kung pwede ko ba siyang maging partner sa pagkanta, meron kasi kaming sinalihan na battle of the bands. Mukhang mag bleblend naman yung boses naming dalawa, kaso wala eh. Nawala yung sasabihin ko ng makita ko yung ngiti niya, pero itatanong ko parin sakanya next time. Wala pa namang exact date kung kailan magaganap yung battle of the bands, pero naka register na kami dun. Kung hindi siya pumayag, edi iinvite ko nalang siyang manood.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon