Chapter 49: Red's Problem

1.9K 66 0
                                    


Zoey's POV

Hmm.. Marahil ito na yung lugar na sinasabi sa akin ni Red. Hmmm..

Nagpaalam ako kay Mom at Dad na may pupuntahan lang akong kaibigan. Pumayag naman sila. Medyo unti-unti ng nakakapagsalita si Mom. Nakakatuwa dahil napaka close na nilang dalawa ni Dad. Alam ko naman na unti-unti narin napapatawad ni Mom si Dad. At nandun din si Zatchi na panay ang pagpapatawa sakanya. Nakakatuwa nga silang tignan hihihi, happy big family na kami.

Teka balik na nga muna tayo sa dati.

Tinignan ko ulit yung sign board.

[Road to ForeBEER]

Napakunot nalang ako ng noo.

What the fvck! ano to?! Beer? bar? takteng yan bakit dito?! tsaka halatang hindi ako papapasukin dito sa loob nato. Mukha pa akong bata! at tsaka wala pa akong 18!

Ang ganda na sana ng pangalan ng bar. Road to forever.. Pero napalitan pa ng BEER, sino kayang nag-isip nito? tss.. Mukhang nahanap niya na yung forever niya kaya siguro ganyan yung name ng bar no? Ako kaya kailan ko kaya mahahanap yung forever ko?

"Hi kyo" boses galing mula sa likod.

"Ay forever!" natapon po ko ang papel na hawak ko dahil sa gulat ko. Pinulot naman ito ni Blaze at tsaka inabot sa akin.

Minsan gustuhin mo nalang silang sigawan dahil sa sobrang gulat mo.. Pero hindi mo magawa dahil nga hindi kana makapag salita kapag kaharap mo na sila!

"Tara pasok na tayo sa loob hinihintay kana ni Red" inakbayan ako ni Blaze tsaka sabay kaming pumasok sa loob.

Nakakagala yan si Blaze dahil wala si Kaine dito. Nasa ibang lugar kasi si Kaine, may laban kasi sila sa ibang university kaya ito kung maka gala si Blaze kala mo walang girlfriend!

Pero lagot talaga siya sa akin, dahil pinapabantayan siya sa akin ni kaine. Kapag nagloko at nambabae daw, batukan ko o kaya sakalin ko daw. Hindi ko nga maimagine yung mga gagawin ko kay blaze kapag nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Pero alam ko naman na kahit wala si Kaine sa tabi niya ay loyal siya at hindi siya magloloko. Naku takot niya lang sa muscles ko no! kahit maliit itong muscles ko nanapak to ng mukha! Kaya mag-ingat ingat siya, at baka siya yung masamplelan nito hihihi.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Blaze may nakasalubong kaming isang babaeng naglalakad.

Nakayuko ito at nakalagay ang mga kamay nito sa mukha nito.

"Hindi kita susukuan."

Sinong walang hiya ang nagpaiyak sakanya?

"Kahit ilang years pa akong maghabol sayo.." *sniff*

Aabutan ko sana ito ng panyo kaso bigla akong hinila ni Blaze. Kaya hindi ko na naabot yung panyo sakanya.

Wow! that's the spirit ate! I salute you!

Lilingunin ko pa sana yung babae kaso bigla nalang itong nawala. Hala saan yun nag punta?! hindi kaya multo yun?

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakapag pahinga naman ako kanina ah?

Hindi nagtagal ay nakapasok na kami ng tuluyan sa loob. Natanaw ko agad si Red. Tumutugtog siya ng gitara sa may stage.

Napakunot nalang ako ng noo ng mahagip ng paningin ko si Ryu.

Bakit siya nandito?

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sakanya at tinaasan niya lang ako ng kilay "Anong sinusundan ka diyan, kita mong nakaupo na ako dito kanina pa. Baka naman ikaw ang sumusunod sa akin" ngumisi ito at tumaas baba ang kilay nito

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon