Chapter 64: I will watching you

1.8K 73 0
                                    

Zoey's POV

Nasa condo ako ngayon. Sa may bgc, nag text ako kay mom na hindi ako makakauwi dahil may aasikasuhin ako.

Aasikasuhin ko yung paghihiganti ko dun sa lalaking yun!

Ang alam nila inaasikaso ko yung nga papeles about sa business na gagawin ko. Pero hindi talaga ayun ang pakay ko.

Dalawang linggo narin pala ang nakakaraan simula ng masaksihan yun ng dalawa kong mata.

Isang linggo din akong nag mukmok at puro inom ng alak ang nagagawa ko dito sa kwarto ko. Pero napapaisip ako bakit ako kailangan kong mag mukmok sa isang tabi kung kaya ko naman siya saktan ng harap-harapan diba?

Humarap ako sa salamin. At kinuha ko ang gunting. Papatayin ko na yung sarili, hindi joke lang hehehe.

Sabi nila, pag brokenhearted ka daw mas gumaganda ka kapag nagpaikli ng buhok.

Hinding hindi ako masasayangan sa pagpapahaba sayo, dahil hahaba ka pa naman eh.

Pinutulan ko ang buhok ko. Yung dating hanggang bewang ang buhok ko, ngayon ay hanggang shoulder level nalang ito.

Ginawa kong suklay ang mga daliri ko. Sawang sawa na akong umiyak, dahil lang naman sakanya kaya ako nagkaka ganito eh.

Minahal ko siya, pero anong ginawa niya? Tsk. Sabi na nga ba at dapat hindi ako naniwala sa mga kasinungalingan nun eh!

Iniisip ko palang yung mukha niya naiiyak na agad ako. Pero hindi na dapat ako umiiyak ngayon.. Pinunasan ko ang luha ko.

"Welcome back Zoey" ngumiti ako, para akong tanga diba?

Yung zoey palaban at boyish ay nagbabalik na woho! Party!

Narinig kong merong nag doorbell.

Badtrip naman oh! Nag momoment yung tao. Sino naman lumalapastangan sa pag momoment ko?! Ang huling lumapastangan kasi sa pag momoment ko ay si ryu? marahil siya rin ito?

Naglakad ako palabas ng banyo at pumunta ako sa pinto para pag buksan kung sino iyon.

Nag padeliver ba ako? Kahapon siguro nagpadeliver ako, pero ngayon?! wala akong naalala na nag padeliver ako.

Pag bukas ko ay agad akong niyakap ng isang lalaki.

"I miss you so much"

It's him..

Anong ginagawa niya dito at paano niya nalaman na nandito na ako? Like duh, hindi ko sinasagot yung mga tawag at text niya. Sino naman kayang nagsabi sakanya na nandito na ako? (-__-)

Humarap siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo ko.

Kumalas ako sakanya.

"I'm sorry ryu but I have to go.." Tumalikod ako sakanya at kinuha ko yung gamit ko.

"Teka iniiwasan mo ba ako?"

Ako iniiwasan siya? The hell.. Oo iniiwasan ko nga siya. Ang sakit kaya ng ginawa mo sa akin!

"Meron akong meeting na kailangan puntahan. Sorry nagmamadali kasi ako eh. Maybe we can talk or continue it later? Okay?"

Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

God.. How I miss his touch..

Wag kang magpapaapekto sakanya zoey! Sinaktan ka niyan remember?

Meron akong meeting na aattendan at pagkatapos noon deretso na ako sa plano ko.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon