Chapter 38: Same situation

2.3K 87 0
                                    

***

Hindi parin talaga maalis sa isip ko yung ngiti ni Zatchi, noong ibigay ko sakanya yung life size na bear. At yung mga chocolates? mukhang lahat ata yun favorite niya. At naalala ko tuloy yung mukha ni Dad noong binigyan ko ng chocolates si Zatchi, pakiramdam ko hinihintay niya lang na makaramdam ako na bigyan ko din siya. Favorite din kasi ni Dad ang chocolates, madalas nga kumukuha pa siya sa chocolates ko ng palihim eh. Yung pakiramdam na kaming dalawa lang yung kumakain ng matatamis, at kapag may nawala na sweets sa ref alam na kung sino ang suspect ko. Hahaha, nalala ko tuloy yung mukha niya noong bigyan ko siya ng tatlong chocolate bar. Kulang nalang ata mag tatalon siya sa tuwa, sobrang nagningning talaga yung mga mata niya noong abutan ko siya nun hahaha! Nakakatuwa talaga.

"Anong alam mo dito?" Seryosong tanong ko kay Ryu. Deretso lang ang tingin niya sa kalsada.

Binasag ko na ang katahimikan ng namamagitan sa aming dalawa. Kanina pa kami tahimik at wala talagang nagsasalita.

"Hmmm. Lahat? I mean. Yeah" napakamot siya ng leeg niya

"Seryoso? Lahat-lahat as in?" gulat na tanong ko

Pero paano niya nalaman? alam kong tinanong niya. Pero gusto kong malaman kung ano ba talaga ang rason niya. Kung kanina nalaman ko ang rason ni Dad, siguro naman kaya niya rin ito nagagawa dahil may sarili siyang rason right?

"Paano ba to?" muli siyang napakamot sa leeg niya "Okay lang yan. You can do it. I wanna know the reasons, why did you doing this." ngumiti ako

Huminga siya ng malalim.

"Noong unang araw na malungkot ka, hindi ko matiis yung lungkot na nakikita ko sa mukha mo. Ang akala ko sa mga susunod na araw, magiging okay ka. Pero ayun naman pala, parang mas lumala pa."

Palaisipan parin para sa akin kung bakit niya ginagawa ito. At alam kong ngayong araw din mismo masasagot ang lahat ng katanungan ko.

"Paano mo nalaman kung saang lugar naka locate ang company ni Dad? Yung totoo lang ah" tanong ko

Pinunasan niya yung pawis niya sa noo.

Ang lamig naman dito sa loob ng sasakyan niya pero pinagpapawisan parin siya? Siguro kinakabahan siya sa mga tanong ko sakanya?

"Noong araw din na yun hindi mo ako masyadong kinakausap. Noong oras na hindi ako pumasok sa isang subject, naalala mo ba yun?" tanong niya habang nakatingin parin sa kalsada. Tumango ako.

Naalala ko yun dahil may activity kami noon kay Sir De leon at nagtataka ako dahil walang sumisipa sa upuan ko at walang ryu na nagpapasagot ng activity sa akin.

"Nung oras na yun pinuntahan ko si Ma'am Adraincem, para tignan ang information mo"

Tignan ang information ko? para saan?

Lahat ng nasa section 1, lahat ng informations ay may copy si Ma'am Adraincem.

"Noong una ayaw niyang ipakita ito sa akin. Nagtataka nga siya bakit kailangan ko daw nun. Syempre karamihan doon ay confidential. Pero pinilit ko siya na ipasilip lang kahit yung pangalan lang ng Dad mo. Nakulitan siguro sa akin kaya pinasilip niya ito sa akin. Nakita ko yung name ng Dad mo. Tapos nakita ko yung occupation. Under ng occupation nandun nakalagay yung pangalan ng company ng dad mo. So, I've search for it. Hindi nga ako nakatulog kinagabihan dahil sa paghahanap. And I remember Red."

Huh? ano namang kinalaman dito ni Red?

"Red's Mother, tita Rica. I have her number so I call her. Nagbabakasakaling alam niya kung saan ang location ng company ng dad mo, o baka kilala niya ito. And I was right. She knows your dad, even the location of his company. Sobrang saya ko nun dahil, I finally find him because oh tita Rica. Napansin mo bang paulit-ulit na akong nagtatanong kung nakausap mo na ba yung dad mo. Dahil gusto kong mag-share ka sa akin ng nararamdaman mo, tsaka ang tahimik mo kasi kaya nakakapanibago. Imbis na mag-share ka, wala akong ibang sagot na marinig sayo kung hindi isang tingin lang."

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon