Chapter 62: See you soon

2K 78 0
                                    


Zoey's POV

Nakasandal lang ako sa pader, nasa may roof top ako ng building namin.

Okay na ang lahat, nakapag paalam na ako sa mga teachers kong hindi ako makaka attend ng graduation at iniexplain ko na sakanila kung ano yung dahilan ko at naunawaan naman nila ito. At sakanila.. Sa mga kaibigan ko hindi pa ako tuluyang nakapag paalam sa lahat.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Ito yung lugar kung saan, hinding hindi ko pagsasawaan puntahan. Lahat ng alaala parang nag flaflashback nalang lahat. Unang pagkikita, nung kinaladkad ako papunta dito.

Napatingala nalang ako at napangiti.

Ito nanaman ako at naiiyak nanaman ako. Tinignan ko yung suot ko na half infinite necklace na bigay niya sa akin, noong mga bata pa kami.

"Miss na kita ryu" bulong ko at niyakap ko ang dalawang tuhod ko at muling humagulgol.

Hindi ko iniexpect na bukas na pala ang alis ko.. At ito, hindi parin kami naguusap.. Maski Hi, Hello wala.

Ano bang iniexpect ko? galit siya sa akin at ayaw  niya akong makita. Sinusunod ko lang naman yung gusto niya.

Grabe pala talaga yung tama ko dun sa lalaking yun no? Sino ba naman makakapagsabi na tatamaan pala ako ng ganito sa lalaking yun. Pero makatikim talaga siya ng pagtama ng kamao kapag nagkausap kami.

Hinahayaan ko lang umagos yung luha ko. Ayokong punasan ito, dahil nakakapagod.. Kanina pa ako iyak ng iyak pero hindi parin ito nauubos, nakakainis!

[Now playing: You and Me by Lifehouse (Boyce avenue acoustic version)]

"Para to sa pinakakamamahal kong babae, babae kung saan aalis na.. Hindi ko man alam kung kailan, pero malakas ang pakiramdam kong malapit na yun."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses niya.

Sa bawat sulok ng building dito sa RU ay may nakakabit na maliit na speaker. Maliit man ito tignan, pero malakas naman ang speaker nito.

Naririnig ko siyang tumutugtog ng gitara.

Ano to may background music para maiyak ako lalo?

"Kung nasan ka man ngayon, gusto ko lang malaman mo na namimiss na kita. Gusto kitang yakapin, pero paano ko namang gagawin yun kung may kayakap ka namang iba" nararamdaman kong malungkot siya sa mga binitawan niyang salita.

Nakita niyang kayapak ko si Maru? Bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin! Masasapak ko talaga yung lalaking yun!

"Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan kapag may iba kang kayakap. As in sobra akong nasasaktan, kung alam mo lang talaga. Minuto lang na hindi ka makita at makasama, napakasakit na paano pa kaya kung makita ka pa kitang may kasamang iba diba?"

Napahawak ako sa sintido ng ulo ko at napapailing nalang.

Tama bang i broadcast yung nararamdaman niyang selos? Tss, kahit kailan talaga napaka showy mong lalaki ka!

Pero kung sabagay isa yan sa nagustuhan ko sakanya yung pagiging showy niya sa mga tao. Na mahal niya talaga ako, kahit na maraming may ayaw sa aming dalawa. Pinapakita niya parin sa lahat na mahal na mahal niya ako at kahit sino man ang humadlang sa aming dalawa alam kong ipaglalaban niya ako.

"Pero kahit ganun, mahal na mahal parin kita. Pasensya na kung hindi ko matanggap ang isang bagay na hinihingi mo sa akin."

Humagulgol ako..

Ayokong marinig! Ayokong marinig yung sasabihin niya.

Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko. As if naman hindi ko marinig yung sasabihin niya.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon