Chapter 46: Seffy's Wish

Magsimula sa umpisa
                                    

Inaasar nanaman ako nitong lalaking to.

Agad kong tinanggal ang kamay niyang naka pisil sa pisngi ko at agad akong nagpakawala ng suntok at nahawak niya naman agad ang kamao ko.

"Alam mo ba may sikreto akong hindi mo alam" ngumiti siya ng pang-aasar which is sa tuwing gagawin niya yung ngiting yan ay naasar na agad ako!

"Lahat ng sikreto mo alam ko!" inis na sabi ko

Alam na alam ko ang mga sikreto niya! kaya wala siyang maiitago sa akin! Alam niyo ba yung tinatago tago niya? Psh. Secret nga eh, bawal sabihin hihihi. Tsaka baka magalit siya sa akin kaya wag nalang hihihi.

"Kahit may isang sikreto ako na hindi mo alam? at namumukod ako lang ang nakakaalam." tumaas baba ang kilay nito "Sige nga ano yung sikreto mo na hindi ko alam? aber? sabihin mo at pag hindi ako nasiyahan diyan, pektus ka sa akin ah!" bulyaw ko sakanya at tumawa lang siya ng malakas.

Loko loko tong lalaking to ah. Sarap pektusan ng bente!

Hinampas ko ang braso niya ng pagkalakas lakas kaya napatigil siya sa pagtawa niya at tinignan niya lang ako ng masama.

Ayan mas okay na yung tingin na masama kaysa naman sa tawa mong napaka wagas! mang-asar!

"Yung sikreto ko tungkol sana kay gin, eh ang kaso.. Wag nalang hinampas mo pa kasi ako eh. Ang sakit kaya" nag pout pa siya

Tama ba pagkakarinig ko? tungkol kay Gin yung sikreto niya? kaya ba hindi ko alam?! tama! hindi ko nga alam na may sikreto siya about kay Gin! Teka?! naglihim siya sa akin ng ganito?!

"Ikaw naman.. Hindi kana nasanay sa akin, ang sweet sweet ko kaya sayo oh" niyakap ko ang braso niya at hinimas himas ito. "Sabihin mo na dali. Ang gwapo mo pa man din best friend"

"Tsk. Inuuto mo lang ako eh" pilit niyang inaalis ang kamay kong nakayakap sa braso niya. Pero mas hinigpitan ko pa ito.

Kung alam mo lang uutuin talaga kita hanggat hindi ko nalalaman ang sikreto mo tungkol kay Gin!

"Hindi kaya, I'm just telling the truth" nag beautiful eyes pa ako sakanya. "Pretty please.. Sabihin mo na poging leon" nag puppy eyes pa ako sakanya at tumawa lang siya ng malakas.

Agad akong sumimangot at tuluyan ko ng binitawan ang braso niya.

Tinatawanan niya nanaman ako. Loko loko talaga itong best friend ko na to.. Argh!

Aha! may naisip akong very bright idea!

"Ewan ko sayo. Bahala ka kung ayaw mong sabihin. Tss.. Naturingan na mag best friends tayo, tapos may sikreto tayo sa isa't isa. Tsss" lumayo ako sakanya at umupo ako sa upuan tsaka ko sinubsob ang mukha ko sa may lamesa.

Makuha ka sa pagtatampo ko hehehe.

Tumigil siya sa pagtawa niya at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at agad ko itong tinabig.

"Hindi kita bati. Umalis ka na nga" iniwas ko ang tingin ko sakanya "Ito talaga napaka pikon mo." natatawang sabi nito

"Eh sa ano kung pikon ako. Eh sa gusto ko lang naman malaman yung sikreto mo, pero pinagdadamot mo sa akin. Bad ka! umalis ka na nga! ayoko ng makita yang pagmumukha mo! At kahit kailan wag kanang magpapakita sa akin! Wag mo ng subukan na pumunta dito sa bahay!" pagtatabuy ko sakanya

Alam kong sobra na itong acting na ginagawa ko na maari rin naman niyang damdamin sa bandang huli. Pero kilala ko si Leon, hindi niya ako bibiguin at sasabihin niya rin ang sikreto niya about kay Gin.

Eh sa ganito na ako kadesperadang malaman eh. Hehehe, basta para kay Gin..

"Nababaliw ka nanaman" tumawa pa siya

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon