Chapter 46: Seffy's Wish

Start from the beginning
                                    

Magkababata ang mga magulang namin, kaya noong pinanganak kaming dalawa ay pinaglapit kami agad. Ang sabi pa ng mga magulang namin ay bagay na bagay kaming dalawa. Which is maaga palang ay tinutulan na naming dalawa.

Iniisip ko palang yung Seffy Rodriguez..

Ewww!! Yuck!!

Alam niya ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. At syempre hindi naman patas na siya lang ang nakakaalam ng buhay ko diba? syempre alam ko rin ang takbo ng buhay niya or should I say na alam namin ang takbo ng buhay ng bawat isa't isa.

Kasalukuyan siyang 3rd year college sa ASSU at isang varsity player katulad na aking pag-ibig na si Ginebra. Mas nauna akong grumaduate sakanila dahil varsity players silang dalawa. Kapag varsity ka kasi madadagdagan kapa ng tatlong taon o apat na taon sa year mo.

Kaya ayoko ng nag vavarsity eh. Hindi ka kaagad makaka graduate.

Nag-iisang anak lang si Leon, katulad ko at ako ang nagsisilbing kapatid niya ng ilang taon. Mag business partners ang mga magulang namin. Dahil napapansin din ng mga magulang namin na hindi namin gusto ang isa't isa ay hindi na nila pinilit ang gusto nila. Pinapakita kasi naman sakanila na hanggang best friends at magkapatid lang ang turingan namin sa isa't isa.

Ang kulit no? Hindi niyo inakala na iisa lang ang best friend namin ni Gin..

At alam kong hindi alam ni Gin na best friend ko rin si Leon.

Si leon nga ang dahilan kung bakit nanligaw sa akin si Gin at alam ni Leon na sobrang crush na crush ko si Gin simula elementary pa kami. Naalala ko pa noong christmas ay hiniling kong regalo si Gin na maging boyfriend ko, pero iba ang nakarinig nito..

♣FLASHBACK♣

Ilang minuto nalang at Christmas na.

I sigh

Pumunta ako sa terrace at tumingala ako sa mga kalangitan.

Ano na kayang ginagawa ni gin ngayon? Ano na kayang hiniling niya kay Santa? Parehas kaya kaming dalawa? O sabihin na nating hiniling din niya ba na maging kami para sa isa't isa? May gusto din kaya sa akin si Gin? Matanda na ako, pero naniniwala parin ako kay Santa.

hmmm..

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"I wish.. Manligaw sa akin si Ginebra at maging boyfriend ko siya.."
napadilat ako ng bigla akong may maramdaman na humawak sa ulo ko.

Ow men!

"A-anong ginagawa mo dito?! leon! bakit ka nandito?! bakit hindi ka man lang kumatok!" pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa sobrang inis dito sa lalaking to!

Nakakainis lagi nalang panira ito ng moment! bwisit!

tumawa lang siya "Remember? walang pinto yung terrace niyo Sef. At saka wala ang parents natin kaya tayong dalawa lang ang magse-celebrate ng pasko."

Parang nalungkot ako sa sinabi niya. Kami lang dalawa kasi ang magse-celebrate ng pasko. Dahil parehas nasa ibang bansa ang parents namin. Dahil sa negosyo..

Ginulo nama ni Leon ang buhok ko kaya napatingin ako sakanya. "Wag ka ng malungkot diyan. At tsaka magkasama naman tayong dalawa eh. " tumango nalang ako at pilit na ngumiti sakanya.

Ilang years narin kaming nagse-celebrate ni Leon na magkasama tuwing pasko. As usual palitan lang ng regalo at kakain lang kami ng mga favorites naming dalawa. Yep, kaming dalawa lang yung mga maids kasi namin ay kasama nila ang mga pamilya nila. Buti pa sila...

Tsk.. Pero naiinis talaga ako dito sa abnormal nato!

Pinisil naman niya ang pisngi ko "Wish mo pala si Gin. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? ha?" nakangising sabi nito.

Playing with the Wrong Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now