Lipas na Pagmamahalan

2.4K 58 30
                                    

Ilang beses mang pilit maintindihan

Paglisan mo'y di pa rin maunawaan;

Kalimutan ka'y gagawin para sa kalayaan

Ng aking pusong luhaan at sugatan.


Pag-alis mo'y pilitin mang maarok

Tila tadhana'y sadyang mapusok;

Damdamin ko ay nasusulasok

Sa sakit na tila ba ilang ulit na sa puso ko'y tumusok.


Sana 'y pagkalas ay ginawang marahan

Pagkat ako'y di sanay sa biglaan.

Kalimutan mo man ang ating pagmamahalan

Ikaw naman ay di ko kaliligtaan.


Lilipas man ang ilang taon

At sadyang di maibabalik ang lumang panahon

Ngunit akin lamang sa iyo ay pabaon

Ang pagsintang nakaukit sa nakalipas na pagkakataon.



*Okay, so here's the translation:

Even if how much I try to understand why you left, I still can't find the explanation. Maybe my heart doesn't want to know. My heart is breaking, my heart is aching. I hoped you slowly left me, because I'm not fond of surprises. However, even if you forget our love, I will never forget you. Years will pass and maybe we cannot go back to the past. All I can give you is my love that's written in the past. 

Satisfied? Hahaha! I feel like a villain doing this. 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanOnde histórias criam vida. Descubra agora