59

46 2 0
                                    

59

Two days had passed at sobrang inip na inip si Neira. Dalawang araw na rin nyang

hindi nakikita si Renz. Nagtetext naman ito sakanya pero

gustong-gusto pa rin nya itong makita.

Puro practice na lang sila ng graduation at sobrang nababagot

sya. Hindi rin sya mapakali na nakikitang bakante ang

dapat ay uupuan ni Renz.

Wala na syang ginawa kundi mag-alala.

Kinabukasan hindi mapakali si Neira, wala pa kasi syang natatanggap

na kahit isang text mula kay Renz. Sinubukan na rin nya itong tawagan

pero mukhang nakapatay ang cellphone nito.

Hindi na nya napigilan ang sarili, hindi nya maintindihan kung

bakit parang kinakabahan sya. Hindi na sya umatend ng praktis nila.

Dumiretso na sya sa ospital kahit nakasuot pa sya ng uniform.

Pagdating nya sa ospital walang tao sa kwarto ni Renz. Sobrang

kabado na sya..Ano ba ang nangyari kay Renz at nasaan sya.

Nagtatakbo sya sa information desk upang magtanong.

"Ahm..excuse me..nasan yung pasyente sa room 218?"

"Ah..si Mr. Lee po? Baka papunta na sa operating room"

"Operating room?" ulit nya.

"AH..kasi ngayon na yung schedule nya ng operation..within 30 mins."

Hindi na nagawang magtanong pa ni Neira at magpasalamat sa nurse

na nakausap. Tumakbo agad sya papunta sa operating room. Nakita nyang

itinutulak ng isang nurse sa wheelchair si Renz.

"JACOB LAWRENCE LEE!!!" sigaw nya.

Agad naman itong huminto at nilingon sya. Halata ang pagkabigla

sa mukha nito. Tumakbo sya palapit kay Renz.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Renz\

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" tumulo na naman ang luha nya.

Tumayo si Renz mula sa wheelchair at humarap sa nurse.

"Ate..pwede bang humingi ng 10 mins?" 

Ngumiti lang ang nurse at lumayo sakanila. Agad na yumakap ang dalaga

sa binata at patuloy lang sa paghagulgol.

"Hindi ko na sinabi sayo kasi lalo ka lang mag-iisip..Tsaka gagawin

hindi lang para sa sarili ko..para na rin sayo at sa pamilya ko..

Because just like you..I also want to add up more time to be with you"

Patuloy lang sa pag-iyak si Neira. Hindi na kasi nila napag-usapan

ang tungkol sa operation kaya hindi nya inasahang papayag si

Renz.

"Nasan si Tita? Bakit wala sya?" umiiyak na tanong ni Neira.

"Hindi ko na sya pinasama kasi iiyak lang din sya gaya mo. Malamang

kasama nya si Dad at kapatid ko."

"Dumating sila?"

"Oo nung isang araw lang..alam nilang ngayon ang operation ko.

Gusto nga nila sa Korea ako dalhin pero sabi ko..Ganun pa rin naman..

Ang pinagkaiba lang..dito kapag nagising ako..alam kong ikaw

ang una kong makikita." nakangiting sabi ni Renz.

He cupped her face and kissed her lightly on her lips. Neira

kissed him back.

Hinawakan ni Renz ang kamay ni Neira at may inilagay sa palad nito.

"Hold this..hindi ko pa natatanggal..bawal kasi yan sa loob"

Tiningnan ni Neira ang hawak na singsing. IYon ang couple ring

na binigay nya kay Renz nung nagkabalikan sila.

Hindi sya makaimik dahil patuloy pa rin sya sa pag-iyak.

"Be strong ok? Kahit 20% lang ang possibility...Im still

grateful that I have that 20% to live and be with you...Wag

ka nang umiyak,,Ayaw ko naman na ang mukha mong umiiyak

ang huli kong makikita bago ako pumasok sa operating room..

Bago tayo maghiwalay"

Pinahid ni Renz ang kanyang mga luha na kanina pa umaagos

sa mga mata nya. Kahit si Renz nahihirapan na nagkakaganito

ang girlfriend nya.

Pinilit ni Neira na ngumiti sa  harap ng boyfriend nya  kahit

bakas pa rin ang mga luha. Muli syang hinalikan ni Renz

sa labi. Not knowing her lips were trembling on his.

Lumapit na ang nurse sakanila. Hinihintay na sya sa loob

ng operating room.

"Ahm..kailangan na po nating pumasok sa OR" 

Umupo na muli si Renz sa wheelchair. Alam nilang dalawa

ang posibilidad na marahil iyon na ang huling pagkikita

nila at huling halik. Pero pareho nilang gustong

isipin na hindi pa iyon ang huli. Gusto nilang isipin

na magkikita pa ulit sila at mayayakap ang isat isa.

"I love you" bulong ni Renz sakanya.

"I love you too.. Babalik ka diba? Promise me babalik ka" 

Ngumiti lang si Renz sakanya habang palayo na ito. She knows

Renz doesn't want to make any promises..pero gusto pa rin

nyang marinig dito na babalik ito..babalik ito para sakanya.

Tuluyan nang nawala sa paningin ni Neira si Renz nang pumasok

na ito sa operating room. Nine hours ang itatagal ng operation at 

para kay Neira iyon na ang pinakanakakatakot na 9 hours ng

buhay nya.

Alam nya na sya dati ang namilit kay Renz na magpaopera ito pero

ngayon pakiramdam nya ayaw na nyang matuloy pa ito. 

Habang nasa OR si Renz tanging mukha lang ni Neira ang iniisip nya.

Parang isang movie series na nagrewind sa kanyang isipan ang

mga pangyayari simula nang makilala niya ito at maging sila.

Gusto nyang maging malakas para dito. HIndi na nyan napansin na may 

pumatak na palang luha sa kanyang mga mata. Tanging maliwanag na lilaw lang

ang kanyang nakita bago sya tuluyang makatulog.

Mahigpit na hawak ni Neira ang singsing ni Renz habang ipinagdarasal ang 

kaligtasan nito..at unti-unti hindi nya napansin na nalaglag na pala

ang sariling singsing na suot nya kung saan nakaukit ang pangalan

ni Renz.

----------

A/N: ayan last chapter na ang kasunod...

Ajuju..Inhale exhale..matatapos ko na rin sya..

Yey! AY di pa pala pwedeng magdiwang..

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon