chapter 12

60 2 0
                                    

12

“WHAAAT!?” sigaw ko.

Hindi ko naman kasi inaasahan yung sasabihin nya.

“Eh ano yun na nga lang kapalit eh. Babayaran mo nalang ng pera?” 

“Huh? Eh wala nga akong pera. Wala bang ibang option?”

“Uhm anong gusto mo maging slave kita ng isang lingo? O di kaya one night stand na lang bayaran mo ko gamit ang katawan mo. Haha”

“Ang manyak mo alam mo yun?” galit kong sambit

Nakakabadtrip kasi tong isang to. Seryoso ang tanong ko puro kalokohan lang sinasagot sakin. Badtrip!

“Eto naman. Eh ang kulit mo kasi eh. Ano ba kasing gusto mo?” mukang napapagod na rin sya.

“Sige na nga payag na ako” sagot ko no choice na ako.

“Payag ka na? talaga? Sige tara na sa pulang building. Bilisan mo!”  binato ko sya ng hawak kong paperbag. 

Kahit kelang napakalakas mantrip ng lokong ito. Napakabipolar pang tao. Ngayon naman nasa mapang-asar mode sya. Siguro bukas suplado mode na naman ito.

“Hindi ko sinabing payag akong bayaran ka gamit ang katawan ko. Ibig kong sabihin payag na ako sa date. Basta libre mo ko!” sabi ko sakanya.

Sasakyan ko na lang tong Mogi na to. Siguradong nantitrip lang to eh. Para mawalan na rin ako ng utang na loob sa isang to. Baka kasi patayin pa ako nito sa konsensya. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong akbayan.

“Ehh..ang bigat mo! Wag ka nga umakbay!” inalis ko yung pagkakaakbay nya pero bigla naman nyang hinawakan yung kamay ko at ngumiti. Tsss. Killer smile!

^__^

“Dahil pumayag kang maging date kita ngayon kailangan mong sumunod sakin. Tara!” 

Kinaladkad na nya ako wala naman akong nagawa. Date ba talaga nya ako o slave? Kung makakaladkad naman to ano ako aso. Ang higpit pa ng hawak sa kamay ko. Kala mo naman tatakas ako. Pero may  pagkagentleman din naman sya. Sya na rin kasi ang bumitbit ng mga paper bag na dala ko. Dinala nya ako sa coffee shop.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang pinaupo nya ako sa isang couple’s table

“Nagdadate?” 

Umorder lang sya ng bubble tea tapos kumain kami ng strawberry short cake. Syempre ako ang pumili.  Tahimik lang ako habang kumakain tapos bigla syang nagsalita.

“Ang cute mo dyan sa damit na yan”  halos masamid naman ako sa sinabi nya. Bakit ganun parang natutuwa ako sa compliment nya. Kahit na alam kong nang-aasar lang sya.  Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mukha ko. 

“Ang cute mo rin pag nagbublush”

^__^

“Tigilan mo na nga ako. Hindi nakakatuwa” inis kong sabi sakanya habang dinuro sya ng tinidor.

“Ang cute mo rin pag nagagalit” ngumiti na naman sya ng pamatay.

Iniwasan ko na lang sya ng tingin at hindi na nagsalita. Hindi naman ako mananalo sakanya. Tinuloy ko nalang ang pagkain. Pero sya patuloy pa rin ang pag titig sakin. Bigla nyang hinagip ang kamay ko at binukas yung palad ko. Hihilahin ko sana palayo pero hindi nya binitawan.

“Bakit ganun? Ang liit naman ng palad mo pero bakit............................ 

hawak mo ang mundo ko?” he smiled at me and I felt heat rises through my head

“Ang baduy mo!” hinila ko na yung palad ko pero ayaw pa rin nyang bitawan.

“Teka alam mo ba marunong akong bumasa ng linya ng palad. Tingnan ko nga” he said while he seriously trace the lines on my palm. I felt shiver run down my spine.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon