chapter 44

38 2 0
                                    

44

"Ahm..meron tayong special performance from a student in

Class 4C...Please all welcome Mr. Jacob Lawrence Lee" 

sabi ng isang vocalist dun sa banda.

Agad namang napalingon ang lahat sa kanina'y pwesto ni Renz.

Wala man lang nakapansin na wala na pala ito. Tumayo si Renz

sa stage kung saan tumutugtog ang banda.

"Aba ano namang kalokohan ni Renz yun?"

"Maninira lang ata yan ng gabi. Baka paulanin nyan" 

Nagtawanan ang mga kaklase nila. Si Neira naman walang ideya

kung anong binabalak ng binata.

Pumwesto ito kung nasan ang keyboard. Inayos ang mic at

tumingin sa banda saka nagsalita.

Parang hindi man lang ito kinakabahan o nahihiya.

"Yoh! Magandang gabi sainyo. At advance Merry Christmas!

Mang-aabala lang ako.. Today..I mean tonight...ibig kong

sabihin ngayong araw na ito is a very special day..

coz today is the day when the one who gave me sudden

heart attacks..made my heart beats abnormally, made my

mind go crazy, the one who stole my heart was born..

Happy Birthday my Peanut! This song is dedicated for you"

Naghiyawan ang mga tao, nangingibabaw naman ang class 4C

kahit takang-taka sila kung sino ang tinutukoy nitong

peanut. 

Kahit si Neira nagulat sa sinabi ni Renz. Inalala nya

kung anong araw ngayon, its Dec. 16, her real birthday.

Ang nakaregister kasi sakanyang birth certificate ay

Dec. 21 but just to avoid any confusion. Dec. 21 na lang

ang cinecelebrate nya at alam ng mga tao. 

Tanging parents

lang nya at sya ang nakakaalam na ngayon ang araw

ng kaarawan nya. 

Pero kahit magulang nya hindi rin naman

sya binabati sa mismong araw ng kaarawan nya dahil 

nakasanayan na rin ng mga ito na 21 ang birthday nya.

Ipinagtataka nya kung paano nalaman ni Renz na

ngayon ang birthday nya dahil kahit sya nakalimutan

na nya ito.

Saglit itong sumulyap sakanya at ngumiti. Pakiramdam ni

Neira namumula na yung buong mukha nya. At parang gusto

nang lumuha nang mga mata nya. Pinigilan lang nya dahil

baka mahalata ng mga kaklase nya.

Nagsimula na itong tumugtog sa keyboard. Namangha naman ang

mga kaklase nito dahil hindi nila alam na may talento

pala ito sa pagtugtog kahit si Neira ay nabigla rin.

~THEY DON'T KNOW ABOUT US~

BY: ONE DIRECTION

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon