chapter 1

556 8 0
                                    

Writer's Note

Ayan unang kwento ko yata to na mapopost sa wattpad.hehe. . I mean ito ang unang kwento na ipapabasa ko sa iba. Hehe. Sana magustuhan nyo. Kahit may napakapredictable. . Pero sana basahin nyo hanggang katapusan. I hope you enjoy it. 

This story is also a tribute to my favorite writers in wattpad. Hehe..kina HaveYouSeenThisGirl, Alesana Marie, Alyloony, ForgottenGlimmer, Witcheverwriter..

Try reading their stories...Hehe

p.s

may pagkaoa kasi akong tao mahilig ako sa mga hebigat stories.hehe

A Reader's Diary

By Momo Nirah

1

Dear Diary,

Waaaaa....Nakakaasar...huhu..Kawawa naman si Ren Salvador dun sa binabasa kong kwento.

Sana sya na lang nakatuluyan ni Arcie. ( from the story My Prince by alyloony taga promote din ako ng favorite writer ko..haha). Ansakit naman ng nangyari sakanya. Ganda naman nung story ng My Prince.

Tsss... Kaasar...Bakit kelangan kung sino pang better sya pa nawawalan . Kung sinong nagmamahal syang inaayawan. 

Sige ako na ang fan ni third party. Haaaayyy. Sige na Diary next time na lang ulit. Broken hearted kasi ako ngayon.

_Ranah_

Isinara ko na yung diary ko at binaba ang ballpen na hawak ko. Dumapa ako sa kama habang nakatitig pa rin sa laptop ko. Nagbabasa kasi ako sa wattpad.com at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Ay sori baka hindi kayo makarelate. Let me introduce ang drama queen na si ako.

Im Neiranah Mendez,fourth year highschool at kasalukuyang nagaaral sa isang co-ed highschool ang Willmington High. Ang pinakamalaking highschool sa bayan namin. Anyway, hindi naman ako maarte pero madrama lang talaga ako. The truth is fan na fan ako ng kahit na sinong writer. Hindi ako matalino pero super hilig kong magbasa ng mga libro at di lang libro pati mga fanfiction.

Kahit pocketbook pa yan basta mga romantic stories ang to tell you the truth Im actually single. NBSB. Haha. Madali ako madala ng mga storyang binabasa ko at dahil dun nagiging madrama ako. Kahit na happy ending pa ang bida ng mga story iniiyakan ko hindi dahil sa natotouch ako kundi dahil naaawa ako sa mga third party o yung mga knight in shining armor na rival ng mga leading man sa mga story.

Sa lahat kasi sila ang mga paborito ko sa part ng mga kwentong binabasa ko. Weird ba ako?

"RANAH! HINDI KA PA BA BABABA? ABA TATANGHALIIN KA NA!" narinig kong sigaw ni mama sa baba. Bumangon na ako, pinatay yung laptop ko at itinago sa ilalim ng kama ang diary ko. Kanina pa naman ako gising mas inuna ko lng talaga ang magbasa.

"BABABA NA PO"  tugon ko habang sinuklay ang buhok sa harap ng salamin. 

Patay namumula na naman ang mata ko sa pag-iyak. Matatanung na naman ako. Pagkababa ko nasa kusina si Mama, si Papa nagbabasa ng dyaryo sa dining room habang iniintay maghain ng pagkain si Mama.

"Goodmorning po!" bati ko sakanila.

"Goodmorning"  matipid na sagot ni Papa. Sabay sabay na kaming kumain.

"Oh Ranah namamaga  na naman ang mata mo. Nagpuyat ka na naman kakainternet mo. Naku!" puna ni mama

"Ah hindi po ginawa ko lang yung assignment namin inabot ako ng madaling araw" palusot ulit.

"Sus! Ay sya kumain ka na at tingnan mo 7:30 na napakabagal mo pa naman kumilos, malalate ka na sa school."

Nagmamadali naman ako sa pagkain at naligo tapos nagpaalam na. Ten minutes na lang before the school bell rings. Relax na relax pa rin ako sa paglalakad, walking distance lang naman kasi ang bahay ko sa school.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon