Chapter 45

30 2 0
                                    

45

Bumalik na si Matt sa section nito at mukhang enjoy

namang makipagbiruan sa mga kaklase. Maya-maya 

bumalik na rin si Renz pero nagulat si Neira

ng yayain pa nito ang isa sa kaklase nito.

Nakapanood lang sakanya si Neira at halos lahat

na ng mga kaklase nyang babae ay isinayaw nito

maliban na nga lang sakanya.

Iniisip nya na paraan ito ni Renz para hindi 

mapansin kapag sya na ang isinayaw...Pero hanggang

sa last classmate nila ay nagtataka sya kung

bakit hindi pa rin sya nito niyayaya.

Naupo na nga rin ito sa kanyang upuan na hindi

man lang sya tinitingnan..

"Galit nga sya" bulong ni Neira sa sarili.

With that...Nasira na ang mood nya sa buong gabi.

She feel gloomy inside. Tumatanggi na rin si

Neira sa mga nag-aalok na isayaw sya dahil ang

kaisa-isang taong gusto nyang isayaw sya ay hindi

man lang sya pinapansin.

"Ahm...mga sisters..uuna na ako ha.." nagpaalam si

Neira sa mga kaibigan.

"Ay..Teka bakit uuwi ka na? Hindi pa tapos ang

party." sabi ni Mina..

"Inaantok na kasi ako eh" pagsisinungaling nya.

Mukang nakaramdam naman agad si Airis..

"Ganun ba? Medyo delikado na, magpahatid ka

na lang kay Renz" sabi nito at tumingin sa pwesto ni Renz

Nagkatinginan naman si Neira at Renz.

"Renz..hatid mo naman si Ranah.. may sasakyan ka

namang dala diba?" sabi ni Airis

"Oo nga Renz..Hatid mo na sya" pagsang-ayon ni Kate

Sandali pang natahimik si Renz at tumingin ng matalim

kay Neira.

"Bakit ako? May boyfriend naman yan eh" he answered coldly.

Pakiramdam ni Neira binuhusan sya ng yelo sa sinabi ni

Renz. Nasasaktan sya pero alam nyang mas nasasaktan ito.

Nangingilid na ang kanyang mga luha at kapag tumagal

pa sya duon hindi na nya mapipigilan pang tumulo ito.

"Hindi na ako nagpaalam kay Matt, pasabi na lang pag

hinanap nya ko ah...Uuna na ako..Malapit lang naman

yung samin..kaya ko na namang mag-isa. Sige babye" 

nakatingin lang si Neira sa mga kaibigan nya pagkatapos

tumakbo na sya palayo.

Nang makalayo na sya tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya.

Tiningnan ng masama ng mga kaibigan ni Neira si Renz.

"Renz"

Tumayo si Renz at alam nya namang hindi nya kayang

pabayaan mag-isa si Neira. Inatake lang talaga sya

ng selos kanina. Sinundan nya ito at maswerteng 

naabutan nya ito. 

Nakaupo lang ito sa isang bench malapit sa school

garden kung saan walang tao at nakita nyang umiiyak ito.

"Peanut..." 

"Alam ko naman..Ako pa rin ang may kasalanan...sorry!

Sorry...sorry...sorry..kahit alam kong wala namang

magagawa ang sorry ko" sabi nito habang umiiyak.

"Sana kasi, ako na lang si Matt..ako na lang lagi

ang kasama mo. Para hindi ko na kailangan masaktan"

"Hindi ikaw si Matt..At ayokong maging ikaw si Matt

dahil si Renz ang mahal ko..Ikaw ang mahal ko." humihikbi pa rin

si Neira.

"Hwag ka ng umiyak diba sabi ko ayoko ng umiiyak ka dahil

sakin..Birthday na birthday mo pa naman..Okay aaminin

ko sinubukan kong pagselosin ka kasi naman, bakit kailangan

pang magpahalik kay Matt"

"Eh..hindi ko din naman ginusto yun eh..Lagi na lang ako

binibigla ni Matt."

"Oo na..sige na hwag ka na umiyak, wag na tayong mag-away"

"Butter, Sorry kung lagi na lang kitang nasasaktan, Sorry 

kasi hindi ko magawang itama yung pagkakamali ko. Na kahit

ilang beses kong gustong sabihin kay Matt na hindi naman

talaga sya ang mahal ko, hindi ko magawa.

 Kasi mas ikinatatakot

ko ang sasabihin ng iba. 

Natatakot ako na kamuhian ako ng tao

kasi pinaasa ko si Matt. 

Natatakot ako na saktan sya, kasi

napamahal na rin sya sakin bilang kaibigan. Sorry kasi 

napakaweak ko..Hindi man lang kita magawang ipaglaban...

Pero ngayon nagkalakas ako ng loob. Dahil hindi ko

kayang mawala ka,. ayoko na mawala ka sakin kasi

mahal na mahal na kita"

"Ang peanut ko talaga, wag ka masyadong mahulog

sakin.." bulong ni Renz habang niyakap ito.

"Huh? Bakit naman?" kinabahan si Neira dahil baka

sabihin nito na baka hindi nito kayang ibalik sakanya

yung pagmamahal na nararamdaman nya para dito.

"Kasi baka mahulog din ako lalo sayo tapos madaganan kita.

pareho tayong hindi na makabangon eh pano na yun"

"Haha ang korni mo talaga kahit kelan. Pero 

seryoso ako..sasabihin ko na talaga kay Matt ang totoo"

"Wag mo ng sabihin, gawin mo na lang" bulong ni Matt.

Tumayo naman si Neira at pinahid ang bakas ng mga luha.

"Gagawin ko na ang dapat...Magiging malakas ako para

sayo" 

"BHIE!" natigilan ang dalawa ng marinig kung sino ang

tumatawag.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon