chapter 9

45 2 0
                                    

9

September 2

Dear Diary

Feelings of love. Of delight, of appreciation overwhelmed her and with incredulous joy she realized the feelings were his. For a moment she sensed herself through his eyes, and sensed how much he cared for her. It might have been frightening if she had not had the same depth of feeling to give back to him. 

(Vampire diaries the struggle)

Waaah it must be nice to feel the same feeling of being loved by the person you love. These past few days mas lalo akong pinakikilig ni Matt. Halos sya na nga lang yung iniisip ko buong araw. Kung dati nagiging close kami ngayon super close na kami na anytime nga feeling ko na magconfess sa kanya kaso inaabot pa rin ako ng kaba. Medyo nababawasan na yung pagkailang ko sakanya. Syempre tuwang tuwa naman yung tatlo kong kaibigan sa mga nangyayari. Actually nasasanay na ako sa bago kong ayos simula kasi nung minake over nila ako ganun na ang naging ayos ko tuwing pumapasok ako. Halos lahat ng classmate ko nagcocompliment na bagay daw sakin isang tao lang talaga ang parang hindi natutuwa sa nangyayaring pagbabago sakin. Si Renz ewan ko kung anong nagawa ko dun parang may galit sakin. Minsan mabait, minsan ang sungit, ay ewan dun. Oo nga pala malapit na ang sports festival. Makikita ko na ulit maglaro ang ultimate crush ko. Excited na ako.

---Neira---

“Oi Ranah may nasalihan ka na bas a sports festival?” tanong ni Mina habang nakapalibot sakin ang mga upuan nila. Wala kasi kaming prof. ngayon busy kasi sila sa preparation for sports festival.

“Tss..wala pa eh kayo?”

“Ako sasali sa girls volleyball” si Mina

“Ako rin, magtatryout sa volleyball” si Kate

“Syempre badminton ako varsity yata to.haha” si Airis

Hay, buti pa tong mga kaibigan ko. Sobrang nag eenjoy kapag sports festival. Ako naman Masaya ng manuod. Wala naman kasi akong hilig sa sports. My clumsiness is so pathetic that no one in my class want me to be part of their teams during sports activities. Its either I’ll hit someone or I’ll hurt myself so its much safer if I’ll just sit aside and just watch them.

“Haaaay.. sa parlor games na lang ako sasali” sabi ko.

“Nong parlor games? Wala namang extra curricular yun. For fun na nga lang yun sa sports fest eh” sagot naman ni Airis

“Eh di hindi na lang ako sasali susuportahan ko na lang kayo tsaka si Matt. Hehe”

“Sus si Matt na naman!” si Kate

“Ah oo nga pala bakit hindi mo subukang sumali sa archery. Last year lang yun sinali sa mga sports dito. Tsaka kadalasan mga hindi marurunong ang sumasali dun” si Mina

“Tama, Ranah hindi ka na mapapansin na walang alam sa sports. Ewan ko ba kung bakit sinali pa yung sports nay un” si kate

“ Oo nga eh wala naman yatang estudyante dito sa Willmington High ang marunong ng archery mukang mga tanga lang sumasali dun. Tsaka haler baduy baduy nung uniform nila parang monghe lang sa Japan. Hahaha” dagdag pa ni Airis

“Tsaka diba sino bang manunuod dun eh bawal nga daw magcheer sa ganun kasi mawawala sa focus yung mga players. Boring.” At sabay sabay silang nagtawanan.

“Uy Renz! Ikaw may nasalihan ka na?” baling ni Airis sa lalaki sa may likuran ko na ngayon ko lang napansin. Kanina pa kasi kaming ngkukuwentuhan pero tahimik lang sya. Pare pareho kaming napalingon sakanya.

“Meron na” sagot nya na hindi man lang tumitingin samin at patuloy lang sa pagsusulat ng kung ano sa notebook nya.

“Talaga? Anong sinalihan mo?” tanong ni Kate

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon