chapter 7

49 3 0
                                    

7

August 27

Dear Diary,

“Alam mo ba yung pakiramdam na lagi mo syang naiisip, napapasaya ka nya, isang silip mo lang sakanya ay nabubuo na ang araw mo..gusto mo laging marinig nag boses nya tapos pag nakikita mo siyang malungkot nalulungkot ka rin alam mo ba yung mga pakiramdam na iyon Seven?”  --Eris to Seven  ( I met a jerk whose name is Seven by HaveYouSeenThisGirl)

Waaah! Kung ako ang tinanong ni Eris ng ganito sasabihin ko..oo oong oo. Kasi naman lately nagiging close na kami ni Matt. Madalas na kami mag-usap at magkita. Minsan nga nililibre din nya ako ng lunch bait nya talaga. Napapansin yun ng mga taong dapat makapansin at syempre ang tinutukoy ko ang yong tatlo kong kaibigan. They asked me if he’s already courting pero hindi pa eh. Waaah hindi pa? assuming naman ako masyado.hehe. pero nasa stage pa kasi kami ng magandang friendship at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog kay Matt. Sana saluhin na nya ako. Eeeeeh..

Pero something’s bothering me lately. Nagiging tahimik kasi si Renz eh. Ewan lang ha. Kasi parang hindi na sya masyadong nang-aasar. Well that’s a good thing pero kasi nakakapanibago lang. ganun pa rin naman yun treatment nya sa iba naming classmates sakin lang ata. Eeeh napaparanoid lang siguro ako. Bahala nga sya,

---Neira---

“Uy Ranah ano na ba ang status nyo ni Matthew?” tanong ni Airis

“Huh?Ah eh anong ibig mong sabihin” painosente kong tanong

“Like Duh? Is he already courting you?”

“Yah yah..close na agad kayo diba?”

“Tama ano sasagutin mo na ba?” 

Palitan lang ng tanong yung tatlo

“Huh? Ah e hindi naman sya nanliligaw eh” sabi ko

“Ano!? EH diba close na kayo? Bakit lagi kayong magkasama?” tanong ni Kate

“Eh ewan ko sabi nya Masaya daw akong kasama” 

“Teka kung Masaya sya na kasama ka eh ibig sabihin interesado sya sayo.” Si Mina naman

“Oo nga konting pacute kasi Ranah para kang skyflakes napakaplain…konting fillings teh!” sabi ni Airis with maarteng gestures pa.

Hindi ko maintindihan pero parang nagkaintindihan yung tatlo at sabay sabay tumayo sabay sabing..

“OPERATION MAKE OVER!”

Kinaladkad nila ako sa comfort room. May mga nadatnan pa kami na mga estudyante na puro freshman..bigla na lang sumigaw si Airis at sinipa ang pinto.

“LABAS! ANG AYAW LUMABAS MASASAKTAN!” sigaw ni Airis

Bigla naman akong itinulak ni Mina sa isang sulok. 

“OH? ANONG TINITINGIN TINGIN NYO DYAN? GUSTO NYO MAPAGAYA SA BABAENG ITO!?” pinandilatan pa ni Airis yung mga studyante. Nagulat na lang ako ng bigla akong sampalin ni Airis at saglit na namanhid ang kaliwa kong pisngi. 

Feeling ko bumakat yung kamay nya sa pisngi ko. Sa sobrang bigla ko hindi na ako nakapagsalita. Dali dali namang lumabas yung mga first year.

“Airis baka magsumbong yung mga yun” narinig kong bulong ni Mina

Binuksan ulit ni Airis ang pinto at sumigaw ng..

“SUBUKAN NYONG MAGSUMBONG TANDA KO ANG MGA FACES NYO!” sabay sarado ulit ng pinto. Pagkatapos nagtawanan sila. Bigla akong natauhan.

“OY! Airis bakit mo ko sinampal ha?!”

“Sus eto naman blush on yun. Papagandahin kita. O sya yung kabila naman!” at hinawakan nya yung mukha ko at aakmang sasampalin ulit ako.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon