Chapter 34

39 2 0
                                    

34

Kinabukasan, nagagawa nang ngumiti ni Renz at Neira sa

isa't isa. Yun nga lang kailangan nilang pigilan

ang sarili nila dahil baka may makahalata. Agad naman

itong napansin ng mga kaibigan ni Neira kaya naman

agad siyang kinompronta. Wala nang nagawa si Neira

kundi sabihin sa mga kaibigan nya ang totoo. 

ALam nyang tututol ang mga ito sa relasyon nila. Lalo

na at alam ng lahat na sila pa ni Matt. Gaya nang 

inaasahan gulat na gulat ang reaksyon ng mga ito pero

hindi naman sya hinusgahan.

"Oh, my God! Dati wala kang lovelife ngayon meron

ka na ring secret affair" sabi ni Kate

"Hay, kawawa naman si Matt" bulong ni Mina.

"Teka, dati sabi mo kawawa si Renz ngayon naman

si Matt" baling ni Airis.

"Eh, totoo naman eh. Ngayon kasi na alam na ni

Ranah na mahal nya si Renz. Lumalabas na parang

pinaglalaruan nya si Matt. Kasi sila tapos hindi

naman pala nya mahal" sabi ni Mina.

Para namang tinamaan si Neira sa mga sinabi ng

kaibigan. Alam nyang mali ang ginagawa nya pero

hindi naman ganun kadaling sabihin kay Matt na

nagkamali sya at gusto nyang makipaghiwalay dito.

"Eh, Sister ano nang plano mo? Since napili mo

na si Renz talaga ang mahal. Paano na si Matt?"

"Makikipaghiwalay din naman ako sakanya. Hindi

pa lang ngayon, ayokong masaktan sya."

"Eh sa tingin mo ba hindi sya masasaktan kapag

pinatagal mo pa? Kawawa naman yung tao paaasahin

mo lang. Tsaka si Renz? Paano yun? Ok lang ba

sakanya na kahit sya ang mahal mo, iba naman

yung kasama mo? Lumalabas na kabit sya."

"Eh, sabi naman nya makakapaghintay sya. Ano lang

kasi hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay

Matt. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya"

"Anong sasabihin mo?" tanong ng bagong dating

Para nanigas sa kinatatayuan yung tatlo. At gustong tumalon palabas ng 

puso nung nila nang mapagtanto na si Matt pala ang biglang

sumulpot sa may table nila. Kumakain kasi sila

ng lunch ngayon at hindi nila inaasahan na

susunod si Matt.

Naupo na ito sa tabi ni Neira. 

"Kanina ka pa?" kinakabahang tanong ni Neira.

"Kararating ko lang. So may sasabihin ka? Ano yun?" inosenteng

tanong ni Matt.

Mukhang hindi naman nito narinig ang usapan nilang magkakaibigan.

"Bakit ka pala nandito akala ko hindi ka makakasabay?" pilit 

binabago ni Neira ang usapan baka sakaling malimutan ni Matt ang

huling narinig.

"Eh, hindi na ko pinatulong dun sa ginagawa nila eh. Kaya sasabay

na ako sayo, Bakit ayaw mo ba?" ngumiti si Matt sakanya mas

lalo namang nakaramdam ng guilty. 

"Hindi naman, nagulat lang ako."

"Ganun ba? Parang hindi ka natutuwa. Teka ano nga ulit

yung sasabihin mo?"

Napabilis na naman ang tibok ng puso ni Neira.

Napatingin si Neira sa paligid at natagpuan ng kanyang

mga mata si Renz na seryoso lang nakatingin sakanya. Pagkatapos

iniiwas nya ang tingin at tumingin naman ng makahulugan sa mga kaibigan.

Hindi pa nya kayang sabihin kay Matt ang totoo. 

Paano nya sasabihin dito na hindi naman nya talaga ito mahal.

"A..ano kasi.."

"Namomroblema kasi yang si Ranah kung paano daw nya sasabihin

sayo na hindi kayo legal" sabat ni Airis

"Huh?" pare-parehong nagtaka ang lahat sa sinabi ni Airis.

"Ano kasi, hindi alam ng magulang ni Neira na may boyfriend na

sya. Bawal pa kasi syang magboyfriend. Eh.. ayun hindi nya

alam kung paano nya sasabihin sayo. Kaya ako na ang nagsabi

diba Neira" binigyan sya ng makahulugang tingin ng kaibigan..

"Ah..Oo..yu..yun nga" napatungo na lang si Neira hindi

nya kayang tingnan sa mata si Matt.

"Ganun ba?" biglang natahimik si Matt.

Akala ni Neira nagalit na ito sakanya.

"Pano yan..Alam na yata dito sa buong campus na girlfriend

kita. Tapos hindi pa alam sa inyo na may boyfriend ka?

Eh di parang secret lovers pa rin tayo? Hehe. Pero hindi

ka naman basta susuko diba? Itatago natin hanggang kaya"

Lalo namang nakaramdam ng guilty si Neira. Parang gusto 

na nyang umiyak sa harap ni Matt. Hindi na nya alam kung

anong gagawin. Nahihirapan na sya sa sitwasyon nya.

Tiningnan lang sya ng mga kaibigan ng may halong

simpatya.. Alam nila kung gaano nahihirapan ang

kaibigan. Hindi nila ito magawang masisi dahil nagmahal

lang naman ito. At ang una nyang napili ay maling tao.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon