Chapter 36

34 2 0
                                    

36

October 12

Dear Diary,

"Successful relationships dont just happen

out of nowhere, it takes time, commitment,

faith, and people that honestly want to be

together." -Anonymous

Why, oh why..ansakit..sakit..sakit ng ulo ko..

Badtrip na ulan kasi..ngayon may sakit na ako.

Huhu..Alam mo ba nakakainis si Matt pero ewan ko

din ha parang may inililihim sya sakin. Eh ayoko

naman mamilit, kasi may lihim din naman ako sakanya.

But I badly wanted to hear it... Siguro we

weren't really for each other. I know because I found

my real half..Sa tingin ko, sa tingin ko lang

naman Matt is not really inlove with me..could it

be possible?..Kung ganun nga mas magiging madali

ang pakikipagbreak ko.. Or is it just a wishful 

thinking. Hay ewan ko din. Naguguluhan na ako..

---Neira---

*Achooo! Achoooo!* 

"Anak, magpahinga ka na muna, wag ka na pumasok

tingnan mo oh, antaas taas ng lagnat mo. Wag 

na rin muna kaya akong pumasok babantayan na lang

kita" sabi ng Mama ni Neira

"Ma, pumasok na kayo. Matanda na naman ako tsaka

andyan naman si ate Liz. Kaya ko na sarili ko."

"Pero anak, nag-aalala ako eh,baka kung mapano ka"

"Ma naman!..Hindi na ko baby, sasabihin ko kay

ate Liz pag di talaga umayos yung pakiramdam

ko. Magpapadala ako sa ospital Ok? Wag na kayo

mag-alala. Pumasok na kayo sa trabaho"

"Sigurado ka ah, Ibibilin kita kay ate Liz mo. magpahinga

ka na dyan. Papasok na ako" paalam ng kanyang ina.

Syempre sinabi lang ni Neira na magpapadala sya sa

ospital pag hindi umayos ang lagay nya para hindi

na mag-alala ang kanyang ina. Sa totoo lang ayaw

na ayaw nya talagang madala sa ospital. 

Pakiramdam nya yung mga taong mamamatay lang ang

dapat dinadala sa ospital. May trauma pati sya

sa mga panturok. Ayaw nya ng amoy ng ospital, ayaw

nya nakakakita ng may sakit. At higit sa lahat 

ayaw nyang tumambay sa ospital.

Matapos umalis ng kanyang mama naiwan na lang

sya sa kwarto at nagpahinga. Nahihilo hilo

pa sya. 

"Sana di ko na lang hinabol si Matt kahapon.

Achoo!" 

Nagtext na lang sya kina Airis na hindi sya

makakapasok ngayon. 

Nag-aalangan naman sya kung sasabihin pa nya

kay Renz na may sakit sya dahil alam  naman

nyang mag-aalala lang ito.

Si Matt hindi man  lang nagtetext sakanya. Nag-aalala

tuloy sya kung nagtatampo pa rin ba ito sakanya.

Gayung hindi naman nya alam ang dahilan kung

bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni Matt kahapon.

Mahaba-habang oras din ang naitulog ni Neira at 

nagising na lang sya ng tumunog ang cellphone nya.

*Ringtone Gee by SNSD*

~Nomu banjak banjak nunibusyeo

NO no no no Nomu kamjak kamjak

nollan naneun Oh oh oh oh

Nomu Jjarit jjarit momi tteollyeo

Gee gee gee gee

Joheun nun-~

[Hello? *Cough* *Cough*] hindi na tiningnan kung

sino ang tumawag at agad na sinagot

ang cellphone..

[PEANUT ko! Ayos ka lang ba? ha? Masama ba pakiramdam

mo? Bakit hindi ka pumasok?]

Alam na ni Neira kung sino ang tumawag. Siguradong

nalaman na rin nito mula sa mga kaibigan nya

ang nangyari sakanya..

[Butter ko, ano kasi *Cough cough*--]

[Aish! nagpaulan ka kahapon noh? bakit kasi

hindi ka nagdala ng payong? Tsaka nakainom ka 

na ba ng gamot?]

Medyo nangingiti ngiti si Neira dahil sa pinapakitang

pag-aalala ng boyfriend. Kung ang sitwasyon nila ay

hindi nagbago malamang mainis sya dahil pinagtataasan

sya ng boses ni Renz. Pero dahil alam nyang

nag-aalala ito sakanya nakakaramdam sya ng kilig.

[Hahaha..] hindi na  napigilan ni Neira ang

mapatawa.

[Ano bang nakakatawa? Ha? May sakit ka na

nga tumatawa ka pa dyan] parang naiinis na si Renz

[Ano lang kasi., namimiss na kita. gusto tuloy

kitang makita.Haha] 

Totoo naman ang sinabi ni Neira na namimiss nya

ito gusto kasi nyang makita ang worried face 

nito. Sigurado syang ang cute cute nito.

Biglang natahimik si Renz sa kabilang linya at

konting kaluskos lang ang naririnig ni Neira.

[Butter ko, andyan ka pa ba? Huy]

Ilang segundo pa bago ulit sumagot si Renz.

[Oo peanut ko..Wag ka aalis dyan ha..Bababa ko

na yung phone]

Hindi na nakasagot si Neira at binabaan na sya

ni Renz. Naiinis sya may sasabihin pa sana sya

kaso bigla na lang syang binabaan. Paano naman

sya makakaalis ng bahay eh may sakit nga sya.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon