chapter 15

41 2 0
                                    

15

Hindi ko agad narinig ang mga yabag paakyat sa kwarto ko at nararamdaman

ko pa rin ang lapit ng mukha ni Renz sakin.

"Ranah! Bakit ka sumisigaw? Anong nangyayari?"

Pumasok na pala si Mama sa loob ng kwarto ko at mabilis

pa sa alas kwatro na tumayo si Renz ng maayos. Ako naman naiwang

nakahiga sa kama ko habang ramdam na ramdam ko parin ang pag-iinit

ng mukha ko.

"Ah! Tita si Neira po kasi nagalit nung tingnan ko yung 

photo album nya. Hehe" paliwanag ni Renz na akala mo kanina

eh wlang balak gawing masama sakin. 

Napansin ko na parang hindi naman nakita ni Mama yung posisyon namin kanina. 

Ganun pa rin ang reaction nya. Pagkatapos tumingin sya sakin at kinabahan nman

ako.

"Ranah! Wag ka sigaw ng sigaw, nakakataranta ka eh. Ang oa mo! 

Oh sya bumaba na kayo at nakatapos na akong magluto, Halika na 

rin Renz at kumain ka na" 

Bumaba na rin si Mama at naiwan kami ni Renz sa kwarto na 

nagkakailangan. 

Badtrip sya bakit kelangan pa nyang gawin yon. Buti na lang hindi kami

nahuli ni Mama, nakakahiya yun. Napakamanyak kasi ng isang toh.

"Sayang!" narinig kong bulong ni Renz.

"Bulong-bulong ka pa!" tinabig ko sya nung makatayo na ako

"Tss. Kasalanan mo, ingay mo kasi. Tara na nga kain na daw tayo

sabi ni Tita. Gutom na rin ako"

"Aba! Makatita ka naman, Pinsan kita? pinsan? Kapal!" napataas ang

kilay ko.

"Sabi mo kanina dun sa Matt mo. Pinsan mo ko? Tss"

"Sinabi ko lang yun noh? Dahil puro katarantaduhan mga

sinasabi mo. Naku talaga kapag inisip nun na nanlalaki ako

kahit di pa man kami mapapatay talaga kita!"

Bigla syang natigilan sa sinabi ko. I dont know but I

think his face darkened for a second. Bigla din naman nyang binawi at ngumiti sakin.

"EH di Mama na lang itatawag ko sa Mama mo"

"Mama?! ano kita kapatid? Sa pagkakaalam ko nag-iisa

lang akong pinamanahan ng mga talangka sa utak ng tatay at

nanay ko. Kaya wala akong kasing ulol na kapatid gaya mo!" 

Pagtataray ko. tumawa sya ng mahina at tumingin ulit sakin ng 

nakakapanloko.

"Hindi kita kapatid, asawa kita. Halika na nga baby ko!"

Napanganga naman ako sa sinabi nya. As in parang napatanga ako at nilipad 

ng mga alien yung utak ko. Kakawala ng katinuan tong  kausap ko.

Naramdaman ko na lang ang pag-akbay nya sakin. palabas ng kwarto ko.

"Bita-Bitawan mo nga ako! Makita pa tayo ni Papa, lagot ka dun!" inalis

ko ang kamay nyang nakaakbay sakin.

"Ganyan ba lahat ng babae kapag meron, ang taray. Wag ka na kasi

mahiya baby ko. May atraso ka pa nga sakin, tingnan mo

andami mong kalmot sakin."

"Kasalanan mo kasi yan!"

"Ikaw naman! ang hapdi kaya, sayang naman ang

gwapo kong mukha. Ikiss mo na lang to para mawala ang sakit!

Dali na baby ko!" 

Todo pacute pa ang nakakasulasok nyang pagmumukha.

Grabe kinikilabutan talaga ako sa ikinikilos ng isang toh. 

Pabago-bago ng ugali nakakatakot!

"Ikiskis ko yang mukha mo sa pader! Tsaka pwede bang 

wag kang umasta ng ganyan, di tayo close noh? Si Matt

lang ang gusto kong maging bf"

"Matt,Matt.. MATTataga ko na yung Matt na yun puro na lang

sya!" pagbibiro nya.

"Try to lay even a finger on my beloved Matt and I'll make 

sure to make your life a living hell!"

"Ooh, Scary!" umakto pa sya na akala mo natatakot.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon