Chapter 17

70 2 0
                                    

16

Iniwan ko na sya at tumakbo sa sa dining area. Nakahain na nga ang 

pagkain at sabay-sabay na rin kaming kumain.

Panay ang kwentuhan nila ni Mama, Papa at Renz. Ako naman nanahimik na lang.

Nagsasalita lang ako kapag kailangan at may mga violent reactions ako

sa mga pinag-uusapan nila.

Si Renz naman feeling close sa magulang ko at talagang

kinarir nya nag pagtawag kina Mama at Papa ng Tita at Tito. 

SI Papa man giliw na giliw kay Renz. Nakakainis na nauna pa nilang nakilala

si Renz kesa sa future boyfriend ko. Haaay.

Alam mo yung feeling na naoutcast ka sa sarili mong pamamahay?

Hindi naman sila tuwang-tuwa sa kinaiinisan ko nyan? Badtrip!

Hindi ko maintindihan, kung bakit inis na inis ako sa Renz na toh. Para 

bang pinanganak talaga sya para kainisan ko at asarin ang buhay ko.

Natapos kaming kumain na para bang super close at anak na 

ang turing nila kay Renz. Kulang na lang patirahin na rin nila sa bahay

namin eh. Kainis!

Ewan ko ba parang ang galing-galing nyang maghypnotize ng tao. Nagpakilala 

pa syang manliligaw ko. Sino ba naman ang hindi maasar? 

Halos ipagtabuyan ko na sya umalis lang sya sa bahay ko. 

Ewan ko pero parang naging instant close agad kami sa loob lang

ng isang araw. 

Hinatid ko sya hanggang sa labas ng gate dahil sa utos na

rin ni Mama. Kahit buong maghapon nya akong biniwisit 

nagawa  ko pa rin magpasalamat sakanya.

"Oy!Salamat nga pala dun sa mall kanina. Hindi ko alam ang gagawin

ko kung di mo ko tinulungan" nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.

"Tss. Wala yon. Ok ka na naman eh. Manuod ka ng laro ko bukas ha." 

he winked at me.

Oo nga pala, bukas na rin ang sports fest, Nakalimutan ko na agad.

"huh? Ah OO sige,. Basta ba wag mo na ulit akong pagsusupladuhan."

Mukang nagulat sya sa sinabi ko at ganun din naman ako. Shyet!

Bakit ba lumabas yun sa bibig ko? Tss. sa haba ng oras na magkasama kami

ngayong araw, parang mas lalo akong napalapit sakanya. 

Hindi ko naman sinasadyang sabihin yon.Tss. Paano ko pa mababawi

ngayong kung makangiti sya e WAGAS!

"Sige na nga umalis ka na! Papasok na ako!"

Tinalikuran ko na sya. kasi pakiramdam ko namumula na naman ako.

"Goodnight Neira, I'll see you tomorrow" narinig kong paalam nya

at kasunod nun ang pagharurot ng sasakyan nya.

Bakit ba ako masyadong nagpapaapekto sa Mogi na yon? Bumalik

na ako sa kwarto ko at saka ko naalala ang cellphone ko.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon