chapter 3

91 3 0
                                    

3

August 16

Dear Diary,

Haaaay naka one week na and Im already reading a new story. Hindi ko pa tapos yung dalawang librong hiniram ko but I already started a new story. Ewan ko hindi ko kasi mapigilan. Naiinlove naman ako masyado sa character nitong si Kevin Sy ng Voiceless (by HaveYouSeenThisGirl). Naiimagine ko sakanya si Matthew. Magaling din kaya kumanta si Matt? Pero naaawa talaga ako kay Kevin. Super bait pa naman niya. He deserves to be love. Haaay bakit kasi rival na naman sya.

Anyway…Bwisit yung katabi kong yun. That guy sitting next to me. He’s very irritating. Araw-araw ko na nga syang hindi pinapansin patuloy pa rin sa pangungulit. Minsan nga nakaupo lang ako at gumagawa ng seatwork bigla bigla na lng bumanat ng… para kang utot ang tahimik mo kasi pero ang lakas ng dating. Hindi naman ako yung tipo ng taong mapag eskandalo pero sobra na talaga sya. Napipikon na ako sakanya kaya tinusok ko nga ng ballpen yung kamay nya at napasigaw sya sa sakit. In the end pinalabas kami ng classroom. Hidni ko talaga makakasundo ang taong yun. Napikon din sya sakin nung araw nay un kaya hindi kami nagpansinan. Buti na lang! kabago-bago niya ginagalit nya ako.

By the way hindi parin mawala sa isip ko si Matthew. Habang tumatagal lalo syang gumagwapo sa paningin ko. Haha. Kelan kaya nya ako mapapansin? Never ko pa sya nakakausap. Sana magkakilala naman kami. Hehe. Kahit maging supporting character lang ako sa buhay nya. Ah diary matutulog na ako may pasok pa ako bukas goodnight…

--Ranah—

Kinabukasan nagbabasa ako habang papasok ng school. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko ng bigla na lang akong nabunggo buti nalang hindi masyadong malakas kaya napaurong lang ako.

“Sorry” pagtingala ko para tingnan kung sino nakabunggo ko and I was frozen.

O_O

“Sorry din” ngayon ko lang napansin na hawak nya ang magkabila kong balikat para maalalayan ako.

 Waaaah. Pwede na ba ako mahimatay ngayon?

>////<

“Ma..Matthew” I said stammering.

“You know me?” he frowned.

“Oi Mateo. Bilisan mo na nga bagal bagal!” sigaw ng isa sa kasama nito.

”Sorry ulit” tapos umalis na sya

Ako heto tulala at nililipad ang utak. Oh Em GEE! My very first physical contact, conversation at close up look sa crush ko. Kyaaaaaah. Kinikilig ako.

Napakapit ako sa haligi sa may hallway para kumuha ng suporta kasi naman nanlalambot ako. Napakagentleman nya at ang gwapo din ng boses. Haaaay. 

*Ding Dong Ding*

Patay! Malalate na ko” tumakbo ako papasok sa classroom. Pagdating ko wala pa si asungot. Perfect! Natapos ang unang klase wala pa rin sya. San kaya ngpunta yun? Absent? O baka late lang talaga. Pssssh. Ano ba pakialam ko sa taong yun. Enjoyin ko na lang ang solo seat ko. Haha.

Maya-maya dumating na sya at umupo sa tabi ko.

“Ah! Nalate ako. Goodmorning Bella!” bati nya sakin.

“Hindi Bella ang pangalan ko”

“Eh kasi kasing ganda mo si Isabella Swan” nakangiti nyang tugon.

“Nambobola ka ba?” inis kong tanong sakanya.

“Hindi, nang-uuto” he smirked.

-_-+

Tinalikuran ko na sya. Pang-abala!

“Huy! Ito naman binibiro lang. hindi mo kasi sinasabi sakin pangalan mo. Ms. Mendez” kinulbit kulbit pa nya ako.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon