chapter 11

43 2 0
                                    

11

“Wag kang malikot kung ayaw mong mapahiya”

What the eff? Ang bang sinsabi nitong Renz na to at bakit bigla-bigla na lang syang nangyayakap? Nangmamanyak yata to eh..

“O-oi Mogi.. anong sinsabi mo? Bibitawan mo nga ako!!” sumbat ko sakanya

“Shh..Wag kang lalabas.. halika dito ka sa sulok .. m…may sasabihin ako sayo” dahan-dahan nya akong hinila papunta sa may dulong corner malayo sa mga tao..

“Hoy! Mogi! Anong kalokohan toh..ha? bi-bitiwan mo ko!” kinakabahan kong sumbat ng maka-pagsolo kami sa may sulok.. 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip na taong to.. mamaya kung anong kahalayan na ang iniisip nito .. lagot  ako..

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at mas lalo akong kinabahan .. inilapit pa nya ang labi nya sa may tenga ko at bumulong…

“M..may ano..meron kang.....”

Pinalis ko ang kamay naya sa bibig ko. Shet ano ba nasa isip nito.. kinakabahan ako..

“ANO?!!” sigaw ko sakanya pero tinakpan nya ulit nag bibig ko..

“Alah. Wag kang sumigaw! Meron ka kasing ano sa likuran mo”

“Shit! Ano nga yon? Kanina ka pang ano ng ano!”

Napansin ko na hindi na sya makatingin sakin.. tapos parang nagca-cramps pa ako dahil yata sa ninenerbyos ako sa iniisip ng mogi na toh.. Badtrip.. Ano ba kasing hindi nya masabi.. napansin kong huminga sya ng malalim tas bumulong uli…..

“May stain ka!” bulong nya at ng narinig ko yun pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa pagkapahiya.. 

Ayaw ko pang maniwala nung una at natigilan ako saka ako automatic tumingin sa may likuran ko. At.... Ayun nga kitang kita ko sa may glass window na may bakas ng pagkadalaga ko… Wahhhh.. nakakahiya.. kaya pala parang nagca-cramps ako badtrip dapat next week pa ako dadatnan pero bakit ako bigla nagkameron.. and to make it worst isang lalaki pa at kaklase ko pa ang nakapansin …wahhh… gusto ko na lumubog sa pwesto ko… nakakainis talaga.. napakatakip na lang ako ng mukha sa sobrang hiya… asar!.. 

“Putek!.. bakit ngayon pa ko nag-karoon. Anong gagawin ko.. hindi ako pwedeng lumabas ng ganito . Wala pa naman akong kadala-dala.” I sighed in frustration

“Pano na nga?” napakamot sa ulo si Renz na tila nag-iisip din .. naiiyak na talaga ako.. sobrang kahihiyan na nga to… 

“Ano.. dito ka lang..sandali lang” sabi nya at akmang aalis na.

“T..teka! san ka pupunta? Eh as if namang makaka-alis ako dito noh? Eeehhh… ano ng gagawin ko?” nakakapit ako sa laylayan ng damit ni Renz para pigilan itong umalis..

“Tutulungan nga kita..dyan ka lang babalik ako” at tuluyan ng umalis si Renz.

Wala akong kamalay-malay kung saan sya pupunta. Ano pa nga ba magagawa ko kundi ang magintay at magtiwala kay Renz.. Siete ano ba kasing binabalak nya?

Ouch! Nagca-cramps na naman ako.. Tae naman oh bakit napaaga ang period ko?

Antagal naman ni Renz kanina pa ako dito sa bookstore. San na ba kasi yun nagpunta? Babaha na ng dugo dito.. pinagpapawisan na rin ako ng malagkit. Pano pag hindi na bumalik yung Renz nay un? Pano pag pinagti-tripan lang nya ako? …. Hala wag naman sana.

Maya-maya bumalik na si Renz na may dala-dala. Inabot nya sakin ang isang paper bag.

“Ano to?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon