CHAPTER 2

175 4 0
                                    

2

“IKAAW?!” sabay naming sigaw habang nakaturo sa isa’t isa.

“Oh? What’s the problem? Do you know each other?” tanong ng principal

“Hindi po” mahina kong sagot, totoo naman hindi ko talaga sya kilala.

“Ok then, go back to your classrooms. Baka malate kayo sa unang klase.” Pinalabas na kami ng principal’s office

Spell MALAS! At bagong transferee  pala itong bwisit na lalaki kanina kaya pala bago ang mukha niya dito sa school. Bagong lipat din kaya sya?. Teka bakit kelangan ako pa maghatid sakanya sa klase? Napakawalang galang naman niya.

“Huy! Huy!” hindi ko sya pinansin  at nagpatuloy sa paglalakad.

“Anong pangalan mo?” tanong nya habang ako dedma pa rin. Sa naaasar ako sakanya eh.

“Huy kausapin mo naman ako, may atraso ka pa sakin.” Kapal din ng mukha nito ako pag may atraso? Sya nga nagpahiya sakin kanina.

“Sorry I don’t talk to strangers” pagtataray ko na hindi parin sya nililingon. Binilisan ko lalo ang paglalakad. Mamatay sya kakahabol haha.

“Kaya nga ako nagpapakilala eh”  sabi nya sa may likudan ko.

Binilisan ko paglalakad at halos din a sumayad ang talampakan ko sa sahig. He passed over and stopped in front of me. He extended his hand a gesture of introducing.

“You must be Isabella?” nakangiti nyang sabi, saglit akong nadistract sa ngiti nya. Anlah ang gwapo niya, kaso di ako attracted, sa isang tao lang ako naaatract. Haha. Antipatiko pa ang isang to. Hinagip niya ang kamay ko at nakipag kamay

“Because I’m Edward” I pulled my hand on his grip. Gago ba ang isang toh? Ano ako nasa twilight? Aga aga ginagago ako.

“ Sorry pero hindi Isabella ang pangalan ko” tugon ko.

“Oh, should I call you Bella?” he grinned

“Malayo yun sa pangalan ko kaya pwede ba.”

“Ayaw mo kasi sabihin ang pangalan mo.hehe” tumalikod sya sakin at naglakad na.

“ Teka nga san ba ang klase mo? Para makapasok ka na” tanong ko. 

 “Akala ko alam mo?” lumingon sya sakin

“Hindi ako psychic” I rolled my eyes. 

Nakakapag-init ng dugo. Sya kasi sumira ng araw ko. Iniabot nya sakin yung class schedule nya at……

Spell SUPER MALAS. CLASS-C   Fatima C. Perez class adviser

Ang bait naman ng tadhana. Kaklase ko sya. Bwishet!

“Oh Huy. Bat natulala ka dyan? San ba yung classroom ko?” nagpalinga linga sya.

 Halos magusot ko naman yung class schedule nya sa inis. Lumakad na ako at hindi sya pinansin. Bago kami pumasok ng classroom huminga muna ako ng malalim.

“Uy! Dito na ba yun? Salamat ah!” pumasok na sya at sumunod naman ako.

 Tamang-tama nagsisimula na yata ang . Nasa unahan na rin ang teacher naming. Lahat sila napalingon samin. Pinakaayaw ko pa nman sa lahat ang pinagtutuunan ako ng atensyon. Masaya na akong hindi nalalaman ng tao ang presensya ko. Naupo na ako sa silya ko sa may likuran. Favorite spot ko to dahil hindi ako mapapansin ng iba ditto. Lumingon si Mina sakin dahil nakaupo lang sya sa may harapan ko

“Uy Ranah sino yun?” bulong nito.

“Transfer!” matipid kong sagot. 

“In the middle of school year?” tanong niya ulit. Hindi ko na sya nasagot kasi naagaw na ang atensyon niya ng magsalita ang teacher namin. 

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon