chapter 32

31 2 0
                                    

Renz featured!!

32

Sa kabilang banda, pauwi na si Renz sa kanila at

napadaan sya sa children's playground. Gusto sana

nyang magpalipas duon ng oras pero nakita

nya na may nakaupo na sa swing na madalas nyang

tambayan.

Hindi nya masyadong maaninagan ang magkayakap na

dalawa. Sigurado syang schoolmate nya ang mga 

iyon dahil sa suot na uniform. 

Nanigas sya sa kinatatayuan nya ng malaman

kung sino ang magkayakap. Si Neira at Matt pala.

Si minalas malas nya sa dami ng taong pwede nyang

makita ay bakit kailangan pa ang dalawang iyon.

Ngayon nasasaktan na naman sya. Sa tuwi na lang

makikita nyang magkasama yung dalawa. Para tuloy

nagsisisi sya na hindi pa nya ipinaglaban yung 

nararamdaman nya kay Neira. Umuwi na lang

sya sa bahay na mabigat ang nararamdaman.

Sumunod na araw patuloy parin sa pag-iwas si 

Renz kay Neira. Dumating na nga sa point na 

halos hindi na ito tinitingnan ni Renz na

para bang may nakakahawang sakit si Neira. 

Hindi na nakatiis si Neira dahil hindi naman

ito ang gusto nya. 

Nasasaktan sya sa patuloy na pag-iwas ni Renz.

Alam nya na hindi na sya masaya sa nangyayari.

Isang araw napag-utusan ang dalawa na magdala

ng mga gamit sa resources room. Hapon na noon at

wala nang ibang mga estudyante. 

Kahit nakarating na sila sa resources room hindi 

pa rin sila nag-iimikan. Medyo madami dami

rin ang gamit na pinaaayos sakanila.

Sobrang naaawkward na si Neira.

 Mabibingi na sya sa

katahimikan. Dumidilim na rin sa labas at 

sira pa ang switch ng ilaw sa resources room.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Neira at halos

tumalon na rin ang puso nya ng bigla na lang.

*BLAAAG*

"A..ano yun?" tanong ni Neira habang napatingin sa

pintuang sumara.

"Shit!" napabulalas si Renz at agad na lumapit sa

may pintuan.

Sinubukan nyang pihitin ang pintuan. Pero mukhang ayaw

bumukas. Badtrip alam ni Renz na sira ang pinto ng

resources room dahil aksidente nya itong nasira at

hindi ito nabubuksan mula sa loob.

"Anong nangyari?" kinakabahan na tanong ni Neira.

"Nalock tayo." bulong ni Renz.

A reader's diary (Completed)Where stories live. Discover now