Chapter 46

25 2 0
                                    

46

"BHIE!" lumapit si Matt kay Neira.

Nagulat naman si Neira ng bigla na lang sumulpot si Matt

sa harap nya.

"Matt..."

"Andito ka pala, kanina pa kita hinahanap, bigla ka 

na lang nawala.." sabi nito saka tumingin kay Renz.

Pero hindi naman nito pinansin..

"Halika na, baka hinahanap na nila tayo..bakit kasi

bigla ka na lang umalis" hinawakan ni Matt ang kamay

ni Neira at lumakad na pero tumigil si Neira at

inalis ang pagkakahawak sa kamay niya

"Matt...sandali lang.."

"Tara na..nagbibigay ng regalo yun classmate ko sabi

meron ka din daw..kaya tara na" hinawakan ulit nito ang

kamay ni Neira.

This time napatayo na si Renz dahil ayaw bitawan ni Matt

si Neira.

"Matt, may sasabihin ako sayo..." pilit inaalis ni Neira ang

pagkakahawak nito.

"Mamaya na yan, makakapaghintay naman yan, baka kung

kanino nila ibigay yung regalo..tara na" hindi pinapansin

ni Matt ang sinasabi ni Neira..

"Makinig ka muna please..."

Lumapit na si Renz. Kanina pa sya nagtitimpi sa Matt

na to. 

"Pare baka naman----"

Natigilan sa pagsasalita si Renz ng may tumawag sa pangalan

ni Matt.

"MATT!" 

Lumapit ang ilan sa mga kaklase ni Matt, medyo marami rami

rin sila at mukhang sinadyang hanapin si Matt.

"Uy! Matt kanina ka pa hinanap nina Diane..Dalian

mo yung regalo binubuksan nina Tofer."

"Ay kasama mo pala si Bhie..Hehe..Sama mo na dali

may regalo din yan dun" sabi nun isang kaklase ni Matt.

Para namang hindi pinansin si Renz ng mga dumating.

Napako sya sa pwesto nya at nakita na lang nyang

hinihila na palayo ni Matt si Neira.

Gusto sana nyang pigilan ito pero ayaw naman nyang

gumawa ng eksena sa harap ng ibang tao. Kung mag-uusap

usap sila dapat sila lang tatlo.

Nilingon pa sya ni Neira habang kinakaladkad ito palayo

ni Matt.

Bumalik si Renz sa table nya at nagtataka naman syang

tiningnan ng mga kaibigan ni Neira.

"Nahatid mo na si Ranah?" tanong ni Airis

"Kinuha na ng boyfriend" tumingin si Renz sa section nina

Matt.

Napatingin rin ang mga kaibigan ni Neira sa tinitingnan

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon