Chapter 27

28 2 0
                                    

27

Natapos na ang Sports Fest na nagdidiwang ang lahat.

Yung iba nanlulumo dahil pagkatapos ng sports fest

magsisimula na ulit ang exams.

May ibang hindi nakarecover sa nangyari sa court.

Pero ngayon alam na ng lahat na si Matthew Sandoval

ay taken na. Meron na ulit syang girlfriend.

In an instant naging sikat si Neira dahil sa ginawa

ni Matt. Dumami ang nakakilala sakanya.

At nagkaroon din ng mga naiinis sakanya. Mga naiinggit

at hindi makapaniwala na magiging boyfriend nya si Matt.

Nalaman na rin ng mga kaibigan nya ang nangyari..

"Tss..Sayang talaga hindi namin nakita nung nagpropose

si Papa Matt sayo.." sabi ni Mina

"Oo nga..Grabe Ranah! Akalain mo nagawa yun ni Matt?

Dati patingin tingin ka lang sakanya tapos ngayon

kayo na?" pagsang-ayon naman ni Kate

"Tama-tama..Grabe talaga nangyari sainyo..Nakakakilig"

dugtong naman ni Airis..

Sabado ngayon at wala silang pasok. Nagkasundo silang

magkakaibigan na magmall. Kumakain sila ngayon sa isang

restaurant.

Tahimik lang si Neira. Kahit sya hindi pa rin makapaniwala

sa mga nangyari.

"Huy, alam nyo ba naospital daw si Renz" biglang pagbabago ni Airis.

"Huh? Talaga? Eh bakit daw?"

Biglang napalingon si Neira sakanila. Parang nakaramdam agad

siya ng takot. Nag-aalala sya para kay Renz. Hindi sya mapakali.

"Eh..ewan ko din. Balita lang ni Ryan eh. After daw

nung Sports Fest eh. Dinala sa ospital inatake yata ng asthma"

"May asthma ba yun? Baka kaya hindi sya pwede sumali

sa mga activities sa p.e natin kasi may asthma"

"Eh..ewan ko din. Mukha naman syang healthy"

Nakikinig lang si Neira sa usapan ng mga kaibigan.

Hindi nya alam na may sakit pala si Renz. Iniisip nya

kung dahil ba sa nangyari kaya ito inatake ng asthma.

Naguguilty sya at hindi nya malaman ang gagawin.

Sobrang nalulungkot sya sa nangyari. Hinihiling nya

na sana maayos ang lagay ni Renz..

"A..ayos na ba daw sya?" sa wakas nakapagsalita rin

sya.

Agad nagtinginan sakanya ang mga kaibigan na may

pagtataka.

"Aba, tama ba naririnig ko? Si Ranah nag-aalala

kay Renz?" pang-aasar ni Airis

Natahimik na lang si Neira pakiramdam nya tutulo

na yung luha nya. Nag-iinit na yung mga mata nya.

"Hala ka Airis, nahurt yata si Ranah" sabi ni Mina

nang mapansin na nalungkot si Neira.

"Ai ang sensitive mo naman teh! Binibiro ka lang.

Ewan ko lang kung ok na sya. Sabi ni Ryan, nun lang

yun inatake eh, mukhang di rin nya alam na may asthma yun"

Hindi na napigilan ni Neira ang mga luha nya. Nag-aalala

talaga sya para dito. Ngayon pa na nalaman nyang

marahil ito ang unang beses na inatake ito at marahil

iyon nga ang dahilan. Sya nga ang dahilan. Malamang

labis itong nasaktan.

Nagpanic ang mga kaibigan nang makitang umiiyak si Neira.

Hindi nila malaman ang dahilan kung bakit bigla na lang

umiyak ang kaibigan.

"Uy,,Ranah..bakit ka umiiyak..Sorry na" si Airis.

"Ranah. Masama ba pakiramdam mo? Anong problema?" si Mina

"Huy..Friend..? Ayos ka lang?" tanong ni Kate.

Patuloy lang sa pag-iyak si Neira. Sobrang bigat ng

nararamdaman nya. Hindi na nya kayang itago pa.

"Hi..hindi nyo.. naman kasalanan" patuloy sya sa

paghikbi.

Sasabihin na rin nya sa mga kaibigan ang nangyari.

Gusto na nyang mailabas ang nararamdaman.

"Tingin ko..Ka..kasalanan ko ang nangyari kay Renz"

Natahimik ang mga kaibigan nya. Nagtataka sila sa

sinabi ni Neira. Wala naman silang kaide-idea sa

sinasabi ng kaibigan.

"Ang..totoo kasi bago  mangyari ang lahat dun

sa court..kasama ko sya., at nagtapat sya

sakin..Sabi nya mahal nya ako"

Nabigla naman ang mga kaibigan niya. Halos lahat sila

hindi makapaniwala. Pero patuloy pa rin

sa pagkukwento si Neira kahit nahihirapan

sya magsalita dahil sa patuloy pa rin

sya pag-iyak.

Nakinig naman ang mga kaibigan nya. Ikinuwento

nya sa mga ito ang mga ginawa nila ni Renz na

hindi pa nalalaman ng mga ito.

Lahat sila nagulat na hindi nila alam na madami

na rin palang pinagsamahan ang dalawa. Kung

tutuusin hindi naman nagkakasundo ang dalawa

kapag nasa classroom.

Akala nila simpleng pang-aasar lang ang ginagawa

nuon ni Renz para sa kaibigan. Yun pala may

lihim na itong nararamdaman para kay Neira.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon