Chapter 26

33 2 0
                                    

26

"May gusto lang sabihin ang MVP natin"

Nung una walang makagets kung sino ang MVP na tinutukoy niya.

May iba na nakakuha na si Matt ang tinutukoy nito. Agad nabaling

atensyon ng lahat kay Matt.

Halata sa hitsura ni Matt na kinakabahan at nahihiya. May lumapit

pa dito na kaklase at inabutan ng illustration board. Lahat nagtaka

sa binabalak nya.

Nakangisi naman ang mga kateam nito at ilang kaibigan na

nagpapakita ng suporta sakanya. Ang iba ay nangangantyaw pa.

Nagpapalinga-linga si Matt at patuloy na hinahanap si Neira sa loob

ng court. Sa wakas natagpuan rin ng mga mata niya ang dalaga. Ngumiti

ito ng makitang nakatingin rin sakanya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Neira. Ano ba ang ibig sabihin

ng mga tingin at ngiti ni Matt.? Nagtataka sya.

Masama na ang kutob ni Renz. Hindi na nya nagugustuhan ang mga

nangyayari. Hindi nya mabasa kung ano ang iniisip ni Neira.

Pero may duda na sya kung ano ang binabalak ni Matt.

Ang mga tao ay nagpalinga-linga upang tingnan kung sino ang

tinutukoy na Neiranah at tinitingnan ni Matt.

Nasa may gitnang bleacher si Neira. Hindi sya nakikilala ng iba.

"Sino bang Neiranah yun?"

"Taga 4-c daw diba?"

"Ano ba sasabihin nun si Sandoval? Ang gwapo talaga nun"

Naririnig ni Neira ang usapan ng mga taong malapit sakanya.

Mga walang ideya na ang Neiranah na tinutukoy nila

ay malapit lang. Wala kasi masyadong nakakakilala sakanya.

Itinaas ni Matt ang illustration board na hawak nito at

itinapat sa pwesto ni Neira. Halos sabay-sabay namang

binasa ng mga tao ang nakasulat.

"NEIRA!" sabay-sabay na basa ng mga tao.

Akala mo lahat sila ay kasabwat.

Nakaramdam na naman ng matinding kaba si Neira. Nag-iinit ang

mukha niya ng makita na nakasulat na malaki ang pangalan

nya sa illustration board na hawak ni Matt. Nakabold at capital

letters pa.. kitang-kita ito sa kulay pulang font.

Sa hindi malamang dahilan sobrang lakas rin ng tibok ng puso ni

Renz. Kinakabahan sya maaaring maging resulta nito.

He knew falling inlove is not really healthy for him. He was

starting to get broken. He was just staring at Neira.

Nasasaktan naman sya nakikita ang babae na nakatingin lang

kay Matt na para bang nakalimutan na ang presensya nya.

Muling inilabas ni Matt ang isa pang hawak na illustration

board. Sabay-sabay ulit itong binasa ng mga tao.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon