chapter 29

39 2 0
                                    

29

Nasa ospital pa rin si Renz hanggang ngayon at

nakaconfine.. Ayaw na sana nyang magpaconfine

pero wala syang nagawa dahil yun ang gusto ng

kanyang ina.

Sobrang nag-aalala ito para sa kalagayan ng anak.

Bigla na lang nawalan si Renz ng malay bago pa

ito makapasok ng bahay nila nung pagkatapos

ng Sports Fest. Mabuti na lamang at nakauwi na

ito sa bahay.

Ayaw na ayaw talaga ni Renz sa ospital. Kahit

kelan hindi nya ginustong magstay dito. Pakiramdam

nya nanghihina lalo sya kapag nananatili sya sa

ospital.

Ginawa nyang pagkakataon na tumakas nuong umuwi

ang kanyang ina para kumuha ng mga gamit.

Masaya sya na hindi ganoon kahigpit ang security

dito. Madali syang nakatakas. Mabuti na lamang

at may extra syang dalang damit.

Nakapagpalit na sya. Hindi naman ganoon kalala

ang kalagayan nya para manatili ng matagal sa

ospital. Alam na naman nya ang dahilan kung

bakit sya naospital. Puro observation lang

ang gagawin sakanya duon at hindi naman sya

gagaling dahil duon.

Nang makalabas sya ng ospital hindi nya malaman

kung saan sya pupunta. Hindi naman sya pwedeng

umuwi muna dahil sigurado syang pagagalitan lang

sya ng kanyang ina.

Hindi malaman ni Renz pero dinala sya ng kanyang

mga paa sa tapat ng bahay nina Neira.

Ang boplaks talaga nya paano kung makita sya

na kanyang ina. Nasa iisang village lang

sya ng bahay nila.

"Oh! Renz! Ikaw pala yan! Anong ginagawa mo dito?

Hinahanap mo ba si Ranah?" nakita sya ng ina ni Neira

"Ah..Ano po..Ahm.,Napasyal lang po ako" pagsisinungaling

nya.

Hindi naman nya alam kung kaya nyang kaharapin ito

matapos ang nangyari. Pero bakit parang gusto nya

pa rin itong makita.

"Ah...Naku mabuti pa sa loob mo na sya hintayin. Halika.

Pasok ka muna. Lumabas lang yun saglit"

"Naku tita wag na p--" hindi na nya naituloy ang

pagtanggi dahil napapasok na sya sa loob ng bahay nila.

Mabuti na rin siguro yun. Bahala na kapag dumating si

Neira. Ayaw nya namang makita sya ng kanyang ina at higit

sa lahat ayaw nyang bumalik sa ospital.

"Ipaghahanda kita ng merienda. Maupo ka lang dyan"

Mukhang nagiliw talaga ang magulang ni Neira sakanya

dahil sa una nyang pagbisita. Hindi na sana sya

magkakaproblema kung sakaling maging sila ni Neira

dahil mukhang botong-boto naman ang magulang nito

sakanya.

Ang problema lang... hindi naman sya

ang boyfriend ni Neira..at hindi sila pareho nang

nararamdaman.

Matapos syang makapagmerienda, nakipagkwentuhan muna

sya sa mama ni Neira. Hindi nya alam kung bakit

hindi na sya nahihiya dito. Nakikipagbiruan na

din sya dito.

Nawala na sa isip nya ang oras. Malamang nag-aalala

na sakanya ang kanyang ina dahil tumakas lang sya.

Magpapaalam na sana sya bago pa sya abutan ni

Neira.

Dumidilim na rin at saktong dumating si Neira.

Nagulat pa ito ng datnan si Renz na nakaupo

sa sofa kasama ang kanyang mama.

Hindi nya alam kung paano ito kakaharapin.

Hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin dito.

Ang ipinagtataka lang nya kung bakit ito

nasa bahay nya.

"A..anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa

ospital ka?" tanong ni Neira.

"Ospital? Ano namang gagawin ko dun?" pagmamaang-maangan

nya.

"Sabi nina Airis sabi ni Ryan inatake ka

daw ng asthma. Kaya nasa ospital ka" medyo nailang

na rin si Neira sa pakikipag-usap alam nya

kasi na sya ang dahilan ng pagkakaatake nito.

Biglang napaisip si Renz. Nagtataka sya kung

paano nalaman ni Ryan na naospital sya ang

sinabi lang naman nya eh. Naasthma sya.

"Ah..wala naman yun. Nasamid lang ako. Oa

talaga makabalita yung si Ryan..Hehe.." dinaan

na lang nya sa biro ang sinabi.

Sa totoo lang medyo naiilang na rin sya makipag-usap

kay Neira. Naalala kasi nya ang nangyari. Sobrang

sumama ang loob nya kaya naman naospital sya.

Ayaw naman nyang iwasan ito lalo na at maganda

ang pagtrato sakanya ng magulang nito. Isa

pa sya naman ang pumunta sa bahay nito kaya

anong karapatan nya para iwasan ito.

Natahimik silang dalawa. Hindi malaman kung

paano babasagin ang katahimikan.

"Ah..Naku..mag-usap muna nga kayo dyan habang

ako'y nagluluto ng hapunan natin. Renz dito ka

na ulit kumain" sabi ng mama ni Neira.

"Naku Tita salamat na lang po. Kelangan ko na

rin po kasing umuwi baka hinahanap na po ako

samin. Salamat po talaga." pagtanggi ni Renz.

Hindi na naman ito pinilit ng ina ni Neira.

Lumabas si Neira sa may garden sumunod naman

si Renz. Kung may kailangan silang pag-usapan

kailangan walang ibang makarinig.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon