56

36 2 0
                                    

56

"Wow ang cute nyong dalawa bagay na bagay kayo. Galing ko talaga"

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Kuriri" puri ni Renz.

"Teka. Kuriri ba talaga pangalan mo?" tanong ni Neira.

"Hindi codename ko lang yun" sagot ni Kuriri.

"Si KUriri kasi ay isang ultimate cosplayer."

Napatango na lang si Neira habang nililibot ng tingin ang

kwarto ng babae. Halos nabalot na ng mga anime poster

ang paligid pati mga anime collectibles.

"Let's go" yaya ni Renz ng matapos na ang ginawa sakanila ni Kuriri.

Lumabas sila ng bahay ni Kuriri matapos makapagpasalamat. Nahihiya

pang lumabas si Neira. Habang nasa sasakyan sila.

"Butter,. San bang anime convention tayo pupunta? Bakit

ganito ang ayos natin?"

"Wala tayong convention na pupuntahan. Sa park tayo pupunta"

"What!? Na ganito ang hitsura natin?"

Kumunot naman ang noo ni Renz na parang may mali sa sinabi ni Neira.

Nakacostume kasi sila ngayon. Ginaya nila yung character sa code

geass na sina Suzaku Kururugi at Euphemia Vi Britannia. 

Nakacontacts pa sila at wigs.

Wala na syang nagawa ng dinala sya ni Renz sa park. Hiyang-hiya

sya dahil pinagtitinginan sila ng mga tao. May mga ilan pa na

nagpipicture sakanila.

Ibinili pa sya ni Renz ng icecream at kumain sila habang naglalakad.

Gaya ng sabi ni Renz ginawa nila yung nasa dating list nila.

Nabicycle riding sila, kumain ng ice cream, nagcosplay at picture taking.

Pagdating ng hapon kumain sila ng dinner sa isang restaurant.

Ipinamili rin sya ng mga damit na susuotin. May kasama pang

boquet ng roses ang dinner date nila.

"Gagawin natin lahat ng nasa list mo in just a day and night." sabi pa nito

Mabilis silang nakarating sa second destination nila. Sa isang beach resort.

Sa isang malaking cottage sila nagstay na mayroong dalawang kwarto. Matapos

kumain hinila na sya ni Renz sa may sala at may isinalang ito sa player.

"Teka, ano yan?" tanong ni Neira.

"Watching movies, no. 2 sa list mo" nakangiting sabi ni Renz.,

"Nagningning naman ang mga mata ni Neira. Halos 2 oras din silang

nanuod ng movie habang nakasandal ang ulo ni Neira sa balikat

ni Renz. Daig pa nya ang nasa movie house dahil mas romantic ito

sa inaasahan nya. Lalo na at sila lang ni Renz ang magkasama.

Pagkatapos ng movie niyaya na ni Neira si Renz para matulog. 

Inabot na rin kasi sila ng gabi sa panunuod.

"Sinong may sabing matutulog na tayo? Lalabas pa kaya tayo"

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon