Chapter 40

35 2 0
                                    

40

Lingid sa kaalaman ni Neira na pinanood sya ni Renz

mula sa bintana ng kwarto nya. Kitang-kita nito

na hinalikan ni Matt ang pisngi ni Neira. Gigil na

gigil naman ito sa selos.

Kahit pa na alam nya sa sitwasyong ito ay sya

ang kabit, naiinis pa rin sya. Alam nyang

may karapatan syang magselos dahil sinabi ni

Neira na sya ang mahal nito.

Bumalik na sa kwarto si Neira at nagulat sya

ng bigla na lang syang hilahin ni Renz papasok

at isinandal sa may pintuan.

"R..Renz" 

"Nakita ko ang ginawa nya sayo. Bakit ka pumayag? 

Diba sabi ko ayoko nang magpapahalik ka sakanya?"

"Hi..hindi ko n..naman a..alam na ha..halikan

nya ako. Nagulat din ako."

Hindi na sumagot si Renz. Hinawakan nya ang pisngi

ni Neira na parang may kung anong binubura.

Naweirduhan naman si Neira sa ginagawa ni Renz 

para kasing gusto nitong burahin ang pisngi nya.

Pagkatapos kinurot kurot pa.  

"Aray..naman"

Nagulat na lang sya ng bigla sya nitong halikang

sa pisngi kung saan sya hinalikan ni Matt.

Paulit-ulit nitong ginawa iyon.

"Ano bang ginagawa mo?"

"The usual disinfection" he said coldly.

Bumalik na ulit ito sa pagkakaupo sa kama.

Naiwan naman nakatanga si Neira sa may pintuan.

Alam nya na naiinis si Renz. Pero wala naman

syang magawa.

Lumapit sya dito at tinabihan..

"Sorry na kasi.." paglalambing nya dito..

"Alam ko naman...Haaay..Akin ka lang..Ayoko lang

talaga na may ibang umaangkin sayo." niyakap na rin sya

ni Renz.

Kahit ano namang gawin nya hindi nito magawang 

magalit sa babaeng mahal. Konting salita lang

nito nawawala yung galit nya. Alam rin naman kasi nya

na naiipit lang din ito sa sitwasyong hindi nya

basta-basta matakasan.

Biglang nakaramdam si Renz ng paninikip ng dibdib

at hirap sa paghinga. Inaatake na naman siya.

"Oh, my God! Anong nagyayari sayo? asthma? anong gagawin

ko? Tubig? Kukuha ako ng tubig sandali lang" nagpapanic

na si Neira.

Nakita kasi nya na sapo sapo ni Renz ang dibdib habang

parang abot abot ang paghinga. Namutla rin ang mga

labi nito. 

Nangangatal nyang 

isinalin ang tubig sa baso at dali-daling umakyat.Halos 

matapon tapon ang tubig sa baso habang dinadala nya

sa kwarto.

Pagbalik nya agad nyang pinainom si Renz ng tubig.

Maya-maya unti-unti nang nagkakakulay ang labi

nito at mukha. Lumuluwag na rin ang kanyang

paghinga hanggang sa tuluyan ng naging maayos ang lagay.

"Okay ka na ba? ha? Wag mo naman akong takutin ng ganon" 

sabi ni Neira habang nangingilid na ang luha sa mata.

"Sorry.." sabay ginulo ni Renz ang buhok ng dalaga.

Niyakap naman sya ni Neira. Sobrang natakot sya sa

nangyari kay Renz. Iniisip nya kasi na dahil sakanya

kaya ito inatake ng asthma.

"Ikaw ang may sakit..ako pa inaalala mo" sabi ni Renz

habang hinihimas ang buhok ng girlfriend.

Maya-maya nakatulog na si Neira habang yakap-yakap ni

Renz. Nakasubsob ang mukha nito sakanyang dibdib.

Dumating na rin ang katulong nila. Hindi na nagawa ni

Renz magpaalam kay Neira dahil ayaw na nya itong abalahin

sa pagkakatulog. 

Umalis na sya at umuwi sa bahay. Dumiretso sya sa

kwarto nya at nagulat na lang ng madatnan duon

ang kanyang ina na may galit sa mata.

"Lawrence! Anong ibig sabihin nito? Bakit 

nandito pa tong mga toh?" sigaw sakanya ng

kanyang ina habang hawak-hawak ang isang lalagyan.

Naupo sya sa kama at mahinahon na ibinaba ang kanyang

gamit. Lumapit sakanya ang ina at ipinakita ang

hawak-hawak.

"Lawrence. sagutin mo ko! Kelan mo pa to tinigilan!

Ha? Sumagot ka?"

"Last month pa" sagot ni Renz.

Ibinato sakanya ng ina ang hawak na lalagyan at tuluyan

nang napaluha. 

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Una tinakasan mo ko sa ospital,

ngayon ito. Sinasayang mo. Lawrence naman"

"Ma! Hindi ko naman kailangan yan. Wala naman yang nagagawa

eh."

"Maintenance to Lawrence. Kelan ba ako naghangad

ng hindi mo ikabubuti?. Wala naman masama kung susundin mo

ko. Yun lang naman yung hinihiling ko. Anak naman hinahayaan

ko na nga yung iba mong gusto." tumutulo pa rin ang luha ng ina.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Renz. Hindi nya gustong

nakikitang nahihirapan ang ina dahil sakanya. Alam naman

nyang walang mabuting maidudulot ang pagmamatigas nya.

Gagawin na lang nya kung ano ang makapagpapasaya sa

kanyang ina.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon