Chapter 37

35 2 0
                                    

37

"Eeeeeh! Nakakainis" sigaw nya.

Nagulat na lang sya ng biglang bumukas ang

pinto ng kwarto nya at pumasok ang kasambahay nila.

"Oh, Ranah, Kumain ka na..para makainom ka ng gamot"

ipinasok ng kasambahay nila ang tray ng pagkain at

ipinatong sa side table nya.

Dahan-dahang bumangon si Neira sa pagkakahiga at

ngumiti sa katulong.

"Salamat ate Liz" 

"Sige tawagin mo ko pag may kailangan ka"

"Opo"

Bumaba na ang katulong pero wala pang ganang

kumain si Neira pakiramdam nya nanghihina pa

sya. Nagkalakas nga sya nung tumawag si Renz

pero bigla na lang syang binabaan.

Maya-maya pumanhik ulit si Ate Liz nya.

"May bisita ka Ranah!..Ang gwapo sino yun ha?

Papasukin ko ba?" 

"Huh? Sino naman?" 

Tumayo si Neira para silipin sa bintana kung sino

ang tinutukoy ng kasambahay nila. Pagtingin nya

si Renz pala. 

Nagulat sya at the same time natouched. Ambilis

naman nitong nakarating. Kanina lang kausap

pa nya ito sa cellphone..

"Sige Ate, papasukin mo na.." nakangiti sabi

ni Neira.

"Eeeeeh! Sino yun? Boyfriend mo? Ang gwapo 

infairness" biro ng katulong.

"Oo boyfriend ko nga! Hehe" sagot ni Neira

Hindi nya kasi mapigilang hindi ipagmalaki ang

lalaking mahal nya. 

Maya-maya umakyat na si Ate Liz sa kwarto

nya kasama si Renz.

"Oh..sya maiwan ko muna kayo dyan..Ranah! Behave

ha. Baka isumbong kita sa Mama mo.."

"Si Ate.!.Kilala na kaya siya nina Mama" nangingiti

ngiting sagot ni Neira.

Binigyan lang sya ng huling ngiti ng katulong at

tuluyan ng lumabas ng kwarto niya.

"Peanut ayos ka lang?" hinawakan ni Renz ang noo at

leeg ni Neira.

Para namang nag-init lalo ang pakiramdam ni Neira

sa sa haplos ni Renz.

"Bakit nandito ka? Paano ang classes?"

"Wala maghahalf day na lang ako."

"Hala bakit? Hindi naman ako ang teacher, hindi ko

naman hawak ang chalk at lessons, bakit hindi

ka papasok?"

"Hawak mo naman ang puso at isip ko, hindi rin

ako makakapagconcentrate sa klase. Kaya dito

na lang ako babantayan kita"

Kahit nilalagnat si Neira, hindi parin nya

maiwasang hindi kiligin. Bakit ba kasi 

napakasweet ni Renz. Lagi na lang bumabanat.

"Teka kumain ka na ba?" tanong ni Renz

Akala ni Neira, kakainin ni Renz yung pagkain nya

kaya naman nagulat na lang sya ng bigla nitong

iaro ang kutsara sa bibig nya.

"Oh"

"Anong ginagawa mo?" 

"Sinusubuan ka, dali na..kain na" sabay lapit ng kutsara

sa bibig ni Neira.

"Sus, kaya ko naman kumain mag-isa. Hindi mo na ako

kailangan subuan" 

"Pagsisilbihan ko ngayon ang aking prinsesa. Ang

aking peanut princess" ngumiti si Renz.

"Ang butter prince ko talaga!" sabay subo ng pagkain na 

isinusubo sakanya ni Renz.

Para silang walang problema kapag magkasama. Ang alam

nila masaya sila kapag magkasama sila.

Pakiramdam ni Neira, bumaba ang lagnat

nya simula ng dinalaw sya ni Renz. Wala na syang

ginawa kundi tumawa sa mga kakornihan ni Renz. 

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon