chapter 13

37 2 0
                                    

13

Pagdating namin sa bahay ko, nauna akong bumaba at hindi na sya hinayaang ipagbukas

ako ng pintuan ng sasakyan.

Ibinaba nya lahat ng dala ko. Yayayain ko ba sya sa loob o wag na lang? 

Eh para namang ang bastos kung paaalisin ko na lang sya basta. Isinabay pa nga nya ako 

pauwi tapos ipinagdala pa nya ako ng mga grocery. Eh kaso baka maquestion lang sya sa 

bahay.Madilim na pati.

Binuksan ko na yung gate at wala sa loob kong

niyaya sya papasok since dala pa rin nya yung mga grocery bags.

"Ano tuloy ka muna"

Pinapasok ko sya sa loob ng bahay. Nadatnan ko naman si Papa na nanunuod sa sala

Si Mama naman ay nasa kusina.

"Mano po Pa!" nagmano ako kay Papa at napatingin naman sya kay Renz

Nagulat ako kasi bigla ring nagmano si Renz. Haalooo! Feeling 

kamag-anak. 

"Good evening po!" bati nito. 

"Ah good evening din!" matipid na tugon ni Papa.

"Pa! Si Renz po classmate ko" nahuli na yata yung pakilala ko.

"Ah!" yun lang at bumalik na sa panunuod si Papa ng tv. Ni hindi man lang nagtanong kung

anong ginagawa ni Renz sa bahay kahit gabi na. 

Dedma lang kasi si Papa. Kunyari walang pakialam pero si Mama naman lagi

ang kinukwestiyon.

"Ahm Neira, san ko to ilalagay?" tanong ni Renz. 

Nakalimutan ko na dala pa pala nya yung grocery bags.

"Ahm dito na lang. Halika" pinasunod ko sya sa kusina. 

Ipinatong nya yung grocery bags sa table. Si Mama naman 

mukang busy sa pagluluto. Lumapit ako sakanya at nagmano. Mukang

nagulat pa sya. 

"Oh! Nandito ka na pala Ranah! Bakit ang taga---" naputol ang sasabihin

ni Mama ng mapansin nya si Renz.

"Good evening po" bati ni Renz

"Ah, Good evening din!" bati rin ni Mama pero halatang nagtataka.

"Ah Ma si Renz po classmate ko. Isinabay nya po ako pauwi, dun lang

kasi sya sa kabilang kanto nakatira. Tinulungan rin po nya ako

magbitbit ng groceries. Andami pala!" paliwanag  ko kay Mama

Tumango-tango lang si Mama at nagningning ang mata.

"Ganun ba ang bait mo namang bata, Naku nagluluto ako ng dinner mabuti pa

dito ka na kumain. Pasasalamat na rin sa paghahatid sa anak ko!" 

"Ma! Hindi nya ako hinatid sinabay lang. Tsaka madilim na baka kelangan nya ng umuwi"

Hindi naman ako pinakikinggan ni Mama at patuloy parin sa pakikipag-usap kay Renz

"You dont mind do you? Dito ka na magdinner, masarap akong magluto. Sige na Renz!" pag-aaya ni Mama

"Sige po, Malapit lang naman po ang bahay namin" ngumiti si Renz

Badtrip! bakit di sya tumanggi? Baka kung ano-ano pa itanong ni Mama sakanya.

Hindi ko pa nga naiinvite si Matt dito sa bahay tapos nauna pa tong Mogi na to. Kainis naman.

"Good! Alam mo bang ikaw pa lang ang inuuwi nitong si Ranah dito sa bahay?" sabi ni Mama

habang nakatalikod at patuloy sa pagluluto.

"MA!" nakakainis naman 

anong inuwi eh wala naman akong balak imbitahin ang Mogi na to na magdinner dito sa bahay.

"Haha. Biro lang. Hindi kasi nag-iimbita ng mga kaibigan yang si Ranah dito sa bahay

eh. kaya hindi ko kilala ang mga kaibigan nyan. Lagi na lang libro ang karamay."

"Ma! Dun muna kami sa taas!" 

baka kasi kung ano-ano pa ang sabihin ni Mama dito sa lalaking

ito. Madagdagan pa ang ipang-aasar nya sakin.

"Ah sige, tatawagin ko na lang kayo pag nakahain na ang pagkain"

Hinila ko na si Mogi sa taas ng kwarto ko. Pumasok ako sa walk in bathroom at 

nagpalit ng damit pambahay. Lumabas ako at nakita ko syang nakaupo sa kama ko

at may binubuklat.

"WAAAAAH! Bitawan mo yan!" hinanggit ko sakanya yung

photo album ko na puro pictures ko nung bata pa ako.

"Bakit ba ang pakialamero mo!" singhal ko sakanya

"Ang cute mo pala nung bata ka pa. Hahaha" nagsimula na naman 

syang mang-asar.

"Hoy! Bakit ka ba pumayag na dito kumain? Eh mayaman naman kayo diba? Bakit 

di ka na lang umuwi?" 

"Nakakahiya namang tumanggi sa Mama mo. Tsaka mukang masarap yung 

niluluto nya."

"As if..alam ko namang gusto mo lang mang-asar, para sabihin ko sayo

hindi ko ginustong imbitahan ka!"

"Bakit ba ang taray taray mo? Alam mo malapit ko nang isipin na may 

gusto ka sakin. Defense mechanism mo lang yang pagtataray mo." 

Tumawa na naman sya ng mapang-asar.

"Hoy! Alpha kapal muks ka naman! Para sabihin ko si Matt lang ang gusto k---"

*Cellphone Ringing*

Matt Pogi Calling.....

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon