Chapter 23

29 2 0
                                    

23

Matapos nilang kumain ng icecream nagpumilit si REnz na

ihatid sya wala na syang nagawa kundi pumayag, naglakad

lang sila kahit medyo dumidilim na.

Habang malapit na sila sa bahay ni Neira may bigla na lang

tumawag sa cellphone nya. Napatingin muna sya kay Renz 

bago sinagot ang cellphone. 

Nakaiwas lang ng tingin si Renz dahil alam na rin nya

kung sino ang tumatawag.

Nasasaktan sya sa totoo lang, kung maaari nga lang

sana kanila na lang ang araw na ito. Ayaw na sana nyang

maramdaman pa ito pero wala syang magawa.

[Uhm..Hello Matt?]

[AH! Hello, Neira..Nakauwi ka na ba? Pasensya ka na 

hindi na kita naihatid..Sorry talaga,.Pero promise 

bukas pagkatapos ng game..Hahatid na kita]

[Ahm..Matt..Ok lang naman..malapit lang naman diba

yung bahay namin..kaya ok lang..wag ka na mag-alala]

[Pero basta..bukas ha. Manuod ka. Para sayo ang magiging

game ko. Oh sige magpahinga ka na..I love you]

Alam nyang hindi ito ang unang pagkakataon na

narinig nya ito kay Matt..Pero hindi pa rin nya

napigilang mabigla..Sa halip na matuwa sya, hindi

nya maintindihan kung bakit nagaalangan sya at

parang nasasaktan...

Mas lalo syang kinabahan sa isiping kasama lang

nya si Renz, na pinagseselosan ni Matt. Alam nya

sa sarili nya na wala syang dapat ikatakot dahil

wala naman silang ginagawang masama ni Renz..Hindi

pa naman pati sila ni Matt.

[Uy, Neira..ajan ka pa ba?]

[Ah..Hello..oo andito pa ako]

[Natahimik ka kaagad..Sabi ko I love you..Wala man

lang bang I love you too?]

Napalingon sya kay Renz na mukha namang abala rin

sa pagkalikot sa cellphone nya..

[A..Ano bang si..sinasabi mo?]

[Sige na pampagana lang para sa game ko bukas.. Para

sayo din naman yon]

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon