chapter 14

39 2 0
                                    

14

Waaah tumatawag si Matt. Nakalimutan ko magtext sakanya kanina.

[ ah hello Matt..]

[ hello Neira? Pasensya ka na ngayon lang ako nakatawag nakatulog kasi ako]

[okay lang. Nakalimutan ko rin magtext tapos na ba yung practice mo? 

Napagod ka siguro?]

"BABY KO!Tabihan mo na ako dito sa kama dali na! Sino ba kasi yang kausap mo?"

"AY! Bituka mo Renz!" nagulat ako kasi bigla na lang akong

hinila ni Renz paupo sa kama. Muntik ko pang mabitawan yung cellphone ko.

Tiningnan ko ng matalim si Renz dahil sa sinabi nya.

"Subukan mo!" I hissed 

Inilagay ko ulit ang cellphone sa tenga ko.

[ah hello Matt? Pasensya ka na.]

[Sino yun? May kasama ka ba dyan?] biglang tanong ni Matt.

[Huh? Ah eh.. Wag mong pansinin yun. Pinsan ko lang yun nang-aasar] pagsisinungaling ko

[Ganun ba?]

Sinubukan kong tumayo at umalis para makausap ng maayos si Matt

pero mahigpit ang hawak ni Renz sakin. Habang nakikipag-usap ako kay

Matt, I cursed Renz using my eyes.

If only look can kill, malamig na bangkay na ngayon si Renz.

He was smiling evilly.

"Baby ko! Sino ba kasing kausap mo? Sino bang pinsan ang sinasabi mo?" 

Mas lalo pa nyang nilakasan ang boses nya this time.Halos lumuwa na yung mata ko sa panlilisik

[Pinsan mo ba talaga yun?] napansin ko ang pagkabahala sa boses ni Matt.

[Ah! Matt pinsan ko lang yun. wag mo na pansinin. Sorry ha!]

[Hindi okay lang, pinsan mo lang talaga?]

Waaah! kung hindi lang ako naaasar sa Renz na to kikiligin

na talaga ako sa isiping nagseselos si Matt.

"Baby ko! Baby ko gawa na tayo ng homework natin sa history."

Patuloy pa rin sa pang-aasar si Renz at hindi pa nakuntento lumapit sya 

sa mukha ko at.....

*Dug dug dug*

Palapit sya ng palapit at palakas rin ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

Bakit hindi ako makagalaw?

"PFUUUUUUU"

"KYAAAAAAH!" bigla akong napasigaw kasi hinipan nya yung tenga ko.

[Hello?! Neira anong nangyari? Bakit ka sumigaw ayos ka lang ba?]

[Uhm..Matt Tatawagan na lang kita mamaya. Ok lang ba? May kelangan

lang akong tapusin. Sorry ha]

Kelangan ko lang tapusin ang buhay ng Mogi na toh!

[Huh? AH oh sige..Bye]

Binaba ko na yung phone ko. Hindi ko rin naman makakausap ng matino

si Matt dahil sa bwisit na lalaking toh. Ngumiti sya at kumulo

ang dugo ko. Nagdilim na yung paningin ko sa inis sakanya.

Dinamba ko sya at napahiga sya sa kama habang nasa ibabaw nya ako.

Pinagsusuntok ko ang mukha,dibdib at balikat nya sa sobrang galit. 

"WAAAAH!NAKAKAINIS KA! BWISIT! BAKIT NABUHAY PA ANG ISANG

MAPANG-ASAR NA GAYA MO?!" patuloy ako sa pagsuntok sakanya.

"ARAY! aray sandali Neira.. Ouch Wag dyan!" pilit nyang sinasalo

ang mga suntok ko. 

Mas malalakas na yung suntok na binibigay ko sakanya, habang nakasakay pa ako sakanya

kaya hindi sya makagalaw. Sumasakit na nga rin yung kamay ko

sa kakasuntok sakanya.

"NAKAKAINIS KA! PAG NAUDLOT TALAGA ANG NAGSISIMULA KO 

PA LANG NA LOVELIFE. MAPAPATAY TALAGA KITA!"  sigaw pa rin ako ng sigaw habang 

sinasaktan sya.

"Teka, Sorry na,. Aray,,Neira. Ouch! Hey!" 

"BADTRIP KA! GET LOST YOU IDIOT!" patuloy pa rin ako

sa pagmurder sa katawan nya. 

Wala na rin akong pakialam kung marinig ako nina Mama 

sa baba, kelangan ko talagang mailabas yung galit ko sakanya.

Nahagip nya yung dalawa kong kamay. And he pushed me around,

this time he was already on top of me, pinning me down on bed.

I saw little scratches on his smooth face, siguro dahil sa kalmot ko.

Bukod kasi sa panununtok ko sakanya, nakakalmot ko rin sya at sinasabunutan. 

Now, he was staring at me with fiery eyes.

"GET OFF ME YOU BASTARD!" I tried to push him away.

"Tss. Wag ka na nga sumigaw! Ano bang kinagagalit mo?"

"IKAW! YANG PAGMUMUKHA MO! ALIS!"

"Pag di ka pa tumigil sa kakasigaw mo hahalikan talaga kita kahit

nasa baba pa ang magulang mo!" he warned me

Saglit naman akong natahimik. Bwisit na lalaki toh sya

pa may ganang magbanta. Sigurado pinagtitripan na naman ako nito.

"BITAWAN MO AKO! YOU PERVERT MOSQUITO!" nagpumiglas ako sa

pagkakahawak nya pero hindi ako makaalis.

He stared at me intently. He moved his face closer and closer...

T..Teka seryoso ba sya? Hahalikan nya ba talaga ako? Waaah

sobrang lapit na ng mukha nya. Bakit bigla akong nanigas sa pwesto ko?

Hindi ako makapalag. 

Nararamdaman ko yung hininga nya sa mukha ko. Tumigil ang paghinga ko

at napapikit na lang ako ng mariin.

>///<

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon