Chapter 39

30 2 0
                                    

39

Nagulat sila pareho ng bigla na lang tumunog ang cellphone ni

Neira.

[Ah..Hello? Airis Bakit?]

[Sister. Andyan pa ba si Renz?]

[Oo bakit?]

[My gosh! Paalisin mo na sya dali!]

[Si Matt papunta na dyan. Sinabi kasi namin

na may sakit ka. Ayun alalang-alala pupuntahan

ka]

[Oh my God! Thanks sister]

[Sige bye..ingat]

Pagkababa ni Neira ng cellphone nya humarap sya

kay Renz.

"Papunta daw dito si Matt, nalaman na may sakit ako"

"What?!"

"Umalis ka na baka ka pa nya abutan dito?"

"Bakit naman ako aalis? Ako ang nauna. Pabayaan mo sya"

"Butter naman eh..Alam mo naman hindi ka nya pwedeng makita

dito"

"Nakakainis lagi na lang yang pang-abala. Kailan ba kita

masosolo?" 

*DING DONG DING*

Tumutunog na ang doorbell at wala naman nagbubukas ng

pinto. Umalis kasi ang katulong at nagpaalam kanina

kay Neira na mamimili lang ito. Sinamantala nito habang

may bantay pa si Neira.

"Oh my God! Nandito na sya. Magtago ka dali!" pinagtulakan ni

Neira si Renz sa kanyang walk in bathroom.

"Wag mo na syang kausapin, paalisin mo na" sabi ni Renz.

"Hindi naman pwede baka isipin nya galit ako sakanya,

mabilis lang ako, babalikan din kita. Trust me" sabi nya

bago tuluyang iniwan si Renz.

Binuksan ni Neira ang pintuan at sumalubong sakanya

ang isang basket ng prutas. Bakit ba napakagenerous ni Matt.

"MATT! pasok ka."

Pinatuloy nya sa loob ang lalaki. Halata naman sa mukha

nito ang pag-aalala at guilty.

"Sorry, may sakit ka daw? Kasalanan ko diba?" inilapag nito

ang mga prutas sa center table.

"Matt, hindi mo naman kasalanan,.."

Nagulat sya kasi bigla na lang syang niyakap ni Matt.

"Sorry..sorry talaga..sorry kahapon..hindi ko sinasadya.

Pasensya na talaga" 

"Matt... wala ka naman talaga kasalanan..tsaka ok na ko," 

sagot ni Neira habang pasimpleng tinatanggal ang pagkakayakap

ni Matt.

"Hindi lang naman yun ang hinihingi ko ng sorry..tsaka nung

bigla na lang kitang iniwan..." mahinang sabi ni Matt.

Alam ni Neira na ayaw rin itong pag-usapan ni Matt. Natatakot

sya na baka mawala na naman si Matt sa mood nya at may

masabi syang ikasasama ng loob nito

"Kalimutan na lang natin yon. Ok? hindi naman ako galit"

sabi ni Neira.

Naupo sila sa sofa at parehong natatahimik. Para bang

napakaawkward na nasa loob ng iisang bahay si Matt, Neira

at Renz though hindi naman alam ni Matt na nasa kwarto

ni Neira si Renz.

Hindi mapakali si Neira, iniisip nya si Renz na nagtatago

sakanyang kwarto. Kailangan mapaaalis na agad nya

si Matt bago pa mainip si Renz. Pakiramdam nya kasi

anytime baka lumabas ng kwarto nya si Renz.

"Mag-isa ka lang dito? Wala kang kasama?" tanong ni Matt.

"Huh? Ah..Oo mag-isa lang ako, pero parating na rin

yung katulong namin,,..m..may binili lang"

"Kamusta na pakiramdam mo? Masama pa rin ba?"

"O..okay na ko..W..wag ka na mag-alala" she said stammering

"Sigurado ka?.Mabuti naman..Nag-alala talaga 

ako nung malaman kong may sakit ka." 

Isinandal ni Matt ang ulo nya sa balikat ni Neira. 

Naging awkward naman kay Neira ang posisyon nya. Yumakap 

rin kasi si Matt sa bewang nya. 

"M..Matt..ano kasi., uhm..baka dumating na yung 

parents ko makita tayo" sabi ni Neira

Agad naman humiwalay si Matt sa pagkakapulupot sakanya.

"Oo nga pala, hindi nga pala dito na boyfriend mo na ko

"Haaay..hindi man lang kita makasama ng matagal." buntong

hininga ni Matt.

Pakiramdam ni Neira ang sama-sama nyang tao dahil

sa ginagawa nya kay Matt, naguguluhan sya kung

totoo ba talaga ang nararamdaman ni Matt para

sakanya. Kahapon kasi pakiramdam nya hindi naman

sya ang taong iniisip ni Matt.

Gusto na nyang sabihin dito ang totoo pero sa tuwing

gagawin nya yun. Pakiramdam nya umuurong ang dila nya

at pagkatapos bigla na lang magpaparamdam si Matt

ng pagiging sweet.

"Sige na nga aalis na ko, bago pa ako abutan ng

magulang mo, promise pag legal na tayo. magpapakilala

ako sa parents mo ng maayos"

Tumayo na si Matt at inihatid na ito ni Neira sa labas

ng gate nila. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin

nya dito. Mamamatay na sya sa sobrang guilty.

"Namiss kita kahit isang araw lang. Magpagaling ka

na ha!" sabi nito sabay halik sa pisngi ni Neira.

Nabigla naman si Neira sa ginawa ni Matt. Pero 

hindi na sya nakapagreact dahil tuluyan na itong

umalis.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon