Chapter 52

43 2 0
                                    

52

Hindi malaman ni Matt kung ano ang magiging reaction sa

sinabi ng doctor sakanya.

"Renz is dying?" bulong nya sa sarili habang papunta

sa kwarto ni Renz.

Matapos kasing mastable ang lagay nito sa emergency

room ay dinala na ito sa isa sa mga private rooms doon.

Iniisip pa rin nya kung paano kokontakin ang pamilya ni

Renz. Wala naman syang alam tungkol sa lalaki.

Isa lang ang kilala nyang nakakaalam ng tungkol kay

Renz pero hindi nya sasabihin dito.

Sigurado syang mag-aalala lang ito at may hinala

sya na wala pa itong ideya tungkol sa kalagayan

ni Renz.

Pagbukas nya ng room 213 kung nasaan si Renz. Wala naman

syang nakitang pasyente. Walang tao sa kama.

Bumalik sya sa information area para itanong kung doon

nga ba ang kwarto ni Renz.

"Ahm..excuse me yung lalaki kanina na nasa emergency room,

Si Mr. Lee saan po ba ang room nya?" tanong ni Matt sa isang nurse.

"Ah, kayo po ba yung kasama nya nung dinala sya dito? Nasa

room 213 po sya. Second floor"

"Pero wala namang tao sa room 213." sabi ni Matt.

Nagtataka talaga sya dahil akala nya nagkamali sya

ng pasok ng kwarto.

"Pero dun po sya dinala eh"

"Pero imposible kapapasok ko lang dun" pakikipagtalo ni Matt.

"Samahan mo pa ako, wala talagang tao dun" pamimilit ni Matt.

Pumunta muli sila sa room 213 at nadatnan na wala ngang

tao. Nagtataka naman silang nagkatinginan ni Matt. 

"Ah..sandali lang sir, baka nagkamali lang ng record.

Sandali lang po" umalis ang nurse at naiwan si Matt sa kwarto.

Napatingin si Matt sa may bintana na nakabukas.

"SHit!" napabulalas nya.

Agad syang tumakbo palabas ng ospital. Hindi na nya hinintay

na bumalik ang nurse. Sigurado na sya tumakas si Renz.

"Ano bang naisipan ng lokong yon at tumakas?" isip isip ni

Matt habang hinahanap si Renz.

Umalis na sya sa ospital sigurado namang hindi nun

maiisipang magtagal pa sa ospital kung tumakas ito.

Nakarating si Matt kung saan sila naglaro ni Renz ng

basketball. Hindi nya talaga alam kung saan ito hahanapin.

Malas nya na wala man lang syang kontak kahit kanino.

Sa paglalakad nya nakita nya ito na nakaupo sa isang 

bermuda grass. Suot nito ang damit na suot bago pa man

ito isugod ng ospital kaya agad nya itong nakilala.

Agad syang lumapit dito.

"Renz!"

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon