Chapter 18

34 2 0
                                    

18

Nagsimula na yung game at kay Matt lang nakafocus ang

mata ko. Grabeh ang galing galing nyang maglaro. Walang kupas.

Kapag nakakapuntos ang kalaban agad nyang binabawian.

Nanalo sila na ang laki ng lamang nila sa kalabang team.

Unang game pa lang panalo agad. Hindi ko alam kung naintimidate

ba yung kalaban sakanila kasi puro supporters ng Red Team

ang naririnig na hiyawan sa gym.

Matapos ang game at medyo nag-aalisan na yung ibang 

nanunuod. Wala na ba silang balak manuod ng sunod na game?

Talaga bang Team lang nina Matt ang pinanuod nila?

Tumayo na rin ako. Gusto ko sanang lapitan si Matt para

batiin. Kaso hindi ko alam kung paano ako lalapit.

Naiisip ko parin sila ni Diane. 

Pinuntahan ko pa rin sya sa kanilang locker room. Wala na rin naman

masyadong tao. Siguro nagsisimula na ang sunod na game. Medyo

nahihiya nga akong tumambay dun sa labas ng locker room.

Puro lalaki naman ang dumadaan at napapatingin sila sakin.

Haaaay hindi pa ba lalabas si Matt?

"Oy! Sige pare! labas muna ako.!" napalingon ako ng

marinig ko ang pamilyar na boses.

Mukang di pa nya ako napapansin, mag-isa lang syang lumabas.

"Uy Neira Hi! Andito ka pala" bati nya

"Hi! Matt Congrats pala!"

"Thank you, nanuod ka? Im glad napanuod mo ang laro ko.

Kumain ka na ba? Halika sabay tayo"

Hindi nya ako pinagsalita at tuloy tuloy nya akong 

hinawakan palabas ng gym. Nung una medyo naiilang pa

ako kasi yung ibang estudyante na nakakakilala

kay Matt panay ang tingin samin.

Hindi parin binibitawan ni Matt ang kamay ko.

Nakarating rin kami sa cafeteria.

"Anong gusto mo?" tanong nya.

"Ano Matt ako na lang. Ako na lang oorder"

"Ayoko. Ako na bahala, maupo ka na lang dun, ayoko

nahihirapan ang taong mahal ko" ngumiti sya

at ako naman ay feeling nangangamatis na sa hiya.

"S..Sige ikaw na ang bahala, hahanap na lang ako ng uupuan natin" 

Lumakad na ako palayo at nakahanap naman ako ng bakanteng lamesa.

Pang apatan yung bakanteng lamesa. Marami na ring tao sa cafeteria, Habang

hinihintay ko si Matt, may biglang lumapit sa pwesto ko.

"Hi! Neira pwede ba akong makishare ng seat?" he gave me creeps when I 

saw him smiled.

"Bakit ka nandito?" I hissed back.

"Oh! Neira andito na yung pagkain natin." sabi ni Matt habang inilalapag yung dalawang

tray ng pagkain sa lamesa.

"Okay lang bang makishare ako ng upo dito? Wala na kasing ibang bakante." 

Tanong ni Renz kay Matt.

"Oo naman pare ayos lang" sagot ni Matt

"Thanks" sabay upo ni Renz.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon