57

34 2 0
                                    

57

Hindi pa rin makarecover si Neira sa naging date nila ni Renz. Monday

na at sabay silang umuwi ni Renz. 

"Peanut gusto mo mag-icecream?"

"Sure"

Bumili sila ng ice cream at kinain habang nasa daan. Habang naglalakad

sila hindi sinasadyang may nakabunggo si Neira at tumapon ang dala

nyang ice cream sa damit ng kasalubong.

"P*#@ng I*%#a naman!" galit na sambit nung lalaki habang nagatawanan

naman ang 4 na kasama nito. Mukha silang mga sigang estudyante na hindi

malaman kung saang eskwelahan nagmula.

"Sorry...sorry po talaga, hindi ko sinasadya" nagpapanic na si Neira na

humihingi ng tawad.

"Sorry? Malilinis ba ng sorry mo tong damit ko?. Putaena naman oh, Nasa

likod ba mata mo? Pagka mamalasin ka nga naman" galit na galit pa rin

yung lalaki.

Lumapit na si Renz, Hindi nya kinakayang minumura na sa harap nya ang

girlfriend.

"Sandali lang Brad, nagsorry na yung tao. hindi ka ba marunong makarinig?

Hindi naman  sinasadya eh" sagot ni Renz.

"Aba gago to ah., Nagmamatapang, bakit lalaban ka ba?" paghahamon nung lalaki.

"Bakit? May ilalaban ba yang mukha mo?" inihagis pa ni Renz yung hawak

nyang icecream sa mukha nung lalaki at lalo lang itong napikon.

"Tapang mo ah. Anlakas din ng loob mo. Gagu ka ah"

Lumapit na si Neira at kumapit sa sleeves ni Renz.

"Butter tama na yan, yaan mo na sila,.. halika na" bulong ni Neira.

"Wag ka ngang makialam!" bigla na lang hinablot ng isang lalaki

ang kamay ni Neira at itinulak kaya naman napaupo na ito sa semento.

Tuluyan ng kumulo ang dugo ni Renz sa nakita. Sinuntok na nya agad

ang lalaking nasa harapan nya. Hindi sya papayag na hindi sya

makakaganti.

Sinubukan rin syang suntukin ng dalawang nasa gilid pero nakailag sya. 

Nagsimula na silang magrambulan. 5 laban sa 1. Umiiyak na si Neira

dahil sa takot. Kung titingnan dehado sa laban si Renz lalo

na at nag-iisa lang sya.

May mga sugat at pasa na ito sa mukha pero hindi parin tumitigil

sa laban. Nang akmang susuntukin na ito ng kalaban mula sa likuran, bigla

na lang itong napaluhod sapo-sapo ang dibdib at habol ang paghinga.

Nagtatakang natigilan ang mga nakasuntukan hanggang sa mawalan na ito

ng malay.

"Putik! Wala pa akong ginagawa. Anong nanyari dyan?"

"Napuruhan mo yata" bulong ng isang lalaki.

"REEEEEEEEEENZZZ!" sigaw ni Neira habang lumalapit sa nakabulagtang si REnz.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon