chapter 10

52 2 0
                                    

10

September 5

Dear Diary,

“Alam mo yung feeling na kinikilig ka at alam mo yung kasama mo ay kinikilig din ng dahil sayo kaya dobleng kilig yung nararamdaman mo?” Naomi

(Break the Cassanovas heart operation)

Feeling ko alam ko na kung ano yung ibig sabihin ni Naomi dito.. haha.. Dapat ko siguro ipag-pasalamat yung librong ibinato k kay Matt nun.. dahil sa librong yun nag-karoon ako ng chance na mapansin nya at ngayon ligawan nya.. Kyaahhhhhh kinikilig ako talaga. Wala naman ako balak pahirapan si Matt eh.. Pero syempre konting pakipot muna. Haha.. mapag-halataan na atat..ehh.. Pero basta.. wala pa nakaka-alam na nanliligaw na sakin si Matt eh.. Busy kasi silang lahat.. Si Matt din puro kahit ganun he never fail me.. lagi pa rin akong pinapatay sa kilig.. haha.. Balak ko na rin sabihin kina Airi’s ang tungkol dito pag nagkaroon ng chance sigurado naman akong matutuwa sila. Palapit na ng palapit and sportsfest kailangan full suppot ako sa future boyfriend ko …. Wahhhh.. isipin ko palang na magiging boyfriend ko si Matt. Sobra sobra na akong kinikilig. Wahaha 

-Neira-

“Ui Neira.. sa isang araw na yung laban ko…nood ka ha” nandito kami ngayon ni Matt sa cafeteria at sabay kaming kumakian.

“Oo naman… manunuod ako promise…” ngumiti ako sakanya.

Matapos naming kumain bumalik na sya sa gym para magpraktis. Ako naman bumalik na lang sa classroom para tumulong sa mga classmates ko na hindi rin nag-participate sa sportsfest…Naatasan rin kasi ang klase naming na tumulong sa paggawa ng mga props at pag-ayos ng designs for the event….napakabagal lumipas ng oras.. nakakainip kapag wala yung mga taong gusto mong makasama… mabuti na lang pala hindi na lang ako pumasok ngayon.. Mabuti nalang ang lagi kong karamay ay dala-dala ko… Ang mga books… Nagpapakaabala na lang ako sa pagbabasa….

“Ui.. tara manuod ng soccer practice. Nandun daw si Kiel.. galing maglaro tsaka yung ibang first year.. Tara” pagyayaya ng isa sa mga classmate ko… Ako naman nakatutok pa rin sa pagbabasa.

“Huy.. Neira ayaw mo ka sumama?” tanong ni Camille

“Ano kayo na lang..dito na lang ako” sagot ko na hindi parin inaalis ang mata sa libro

“Sige dyan ka na muna.. manunuod lang kami” paalam ni Camille

Naiwan ako sa classroom at ilang mga lalaki kong kaklase.. Medyo nag-iingay sila kaya hindi ako makapag-concentrate sa binabasa ko… Nawala na ako sa mood magbasa kaya sinara ko na lang yung libro. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at pinasak sa tenga ko ang headset. (Now playing: Saranghae by Sabrina)

Dahil sa piling mo lagi kay saya ng aking puso

Para bang ako'y nasa langit na ang paligid kay ligaya

Kung ito may panaginip, ay ayoko ng magising

Ang pag-ibig koy patuloy at aaminin ko sayo

Saranghae...

Gusto ko mang gawin, ang pagpigil sa damdamin ay 

napakahirap nga naman

Pag nakakasama ka, lalo lang akong nangangamba

Bat di ko masabi na..

Lagi kang nasa isipan ko

At wag ka sanang lalayo..

Dahil sa piling mo lagi kay saya ng aking puso

Para bang ako'y nasa langit na ang paligid kay ligaya

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon