Chapter 31

39 2 0
                                    

31

October 8

Dear Diary,

"When you find no solution to a problem.

It's probably not a problem to be solve.

Rather a truth to be accepted." -anonymous

Bakit ganun.. I thought it'll fine. I can't 

find the solution to my problem. Gulong-gulo

na ako. Should I accept the fact that I will

never have him.. Selfish na kung selfish

ang hirap palang magmahal ng dalawang tao.

Lalo na kapag ayaw mong may masaktan sakanila.

Kung sa ibang pagkakataon at kung ibang tao

ako,  I rather be happy about my situation pero

hindi.. 

Hindi ko gusto ang nangyayari sakin..

What hurts is I'm not happy. Alam ko sinabi

nya na maging masaya ako. But I can't lalo pa 

ngayon na he's totally avoiding me. Alam ko

naman na ginagawa nya yun para hindi na kami

mahirapan. I swear this really bothers me.

---Neira---

Its been weeks since naging sila Neira at Matt sa

paningin ng mga tao. Parang naipit si Neira sa 

isang sitwasyon na hindi nya basta matatakasan.

Naging inspirasyon sa iba ang nangyari kina Matt

kaya naman dumami rin ang romantiko sa school nila.

Sa harap ng iba mukha silang masayang couple but 

it seems like no relationship is perfect.

Matt is such a sweet and nice guy. Pero lately

pakiramdam ni Neira ipinagkakamali sya ni Matt

sa ibang tao. Akala nya kapag lagi nya itong

nakakasama mas lalong mahuhulog ang loob nya dito.

Pero sa halip parang mas lumalayo ito sakanya.

At the same time naguguilty rin sya. Hindi nya

alam kung dahil ba sakanya kaya parang hindi

masaya ang relasyon nila ni Matt. Sa halip

kasi na si Matt lang ang iniisip nya madalas 

sumagi sa isip nya si Renz.

Simula nang magpaalam ito sakanya nung gabing

nasa bahay nila ito hindi na sya nito pinansin

sa school. Though alam nya na para hindi na sila

mahirapan kaya ito ginagawa ni Renz.

Napansin rin ito ng mga kaibigan nya.

"Ranah, okay ka lang ba?" tanong ni Kate.

Nasa cafeteria sila ngayon at kasabay kumain ni

Neira ang mga kaibigan. Wala si Matt ngayon at

mukhang may pinagkakaabalahan. 

Simula nang naging sila ito na ang madalas nyang

nakakasabay kumain, at umuwi.

"Bakit hindi ka kumakain?" nag-aalalang tanong ni Airis.

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon