"Tara na, dali" nagsitakbuhan na yung mga lalaking nambugbug kay Renz

at naiwan silang dalawa.

"Tulungan nyo kami, parang awa nyo na." patuloy sa pag-iyak at pagsigaw

si Neira.

Mabuti naman at may mabilis na sumaklolo sakanila. Naisugod agad si Renz

sa ospital. Hindi mapakali si Neira habang nasa loob ng E.R si Renz. 

Nagpapanic ang buong pagkatao nya.

Sobrang kinilabutan sya ng makitang nawalan ng malay si Renz. Hanggang

ngayon nanginginig pa ang tuhod nya. 

Hindi nya alam kung gaano sya katagal nag-aabang sa labas ng E.R saka 

lang nya naisipang tawagan ang ina ni Renz.

Patuloy pa rin sya sa pag-iyak habang kausap sa cellphone ang ina ni Renz.

[Hello po..tita..Si Renz po kasi..]

[Anong nangyari kay Renz?]

[Napagdiskitahan po kasi sya..nabugbog po sya tita..

Andito po ako ngayon sa Chalmers hospital, nawalan po sya ng malay]

[Sige pupunta na ako dyan]

Ilang minuto pa dumating na ang ina ni Renz. Hindi na rin ito

nakausap ni Neira dahil agad itong kinausap ng doctor. 

Maya-maya pumasok na rin sila sa ICU kung saan nakaconfined si Renz.

Nagulat si Neira dahil wala pa rin itong malay. 

Madalas naman makita nya itong nakaconfine ay lagi syang sinasalubong

ng ngiti. Walang malay na nakahiga si Renz sa hospital bed, bukod sa

oxygen mask na nakalagay sa mukha nito ay kung ano-ano pang aparato

ang nakakabit dito. Meron ding heart rate monitor sa gilid nito.

"Butter ko..gumising ka dyan..Ano ka ba? Diba hindi pa kumpleto yung nasa

list ko? Pupunta pa tayong amusement park diba?" mahinang niyugyog ni Neira

ang braso ni Renz habang sya ay patuloy na umiiyak.

Gulong-gulo na sya sa mga nangyayari. Hindi ba asthma lang ang sakit ni Renz

diba dapat maayos na ito kapag nakabitan ng oxygen? Bakit ganito

to ngayon? Tinitigan ni Neira si Renz habang nakapikit ito. Putok ang labi

at may ilang pasa sa mukha/

"Bakit kasi nilabanan mo pa sila.? Alam mo namang wla kang laban

sakanila. Nakakainis ka naman eh. Lagi mo na lang akong pinag-aalala"

Maya-maya pumasok na rin ang ina ni Renz sa kwarto. Lungkot na lungkot ang

mukha nito at tahimik na naupo sa tabi ni Renz. Pinahid ni Neira

ang luha sa kanyang pisngi at humarap sa ina ni Renz.

"Tita..ano po bang sabi ng doctor? Bakit po wala pang malay si Renz?

Asthma lang po ba talaga ang sakit nya? Napuruhan po ba sya nung

mga nambugbug sakanya?" sunod-sunod na tanong ni Neira.

Hindi naman sumagot ang babae at malungkot lang itong nakatingin sa anak.

Lumuhod na si Neira sa harap ng ina ni Renz habang hawak-hawak ang magkabilang

A reader's diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon