Chapter 13 - Unexpected Guest

60 2 0
                                    

Wendy's POV

(The next day)

Ilang buwan na rin pala 'kong hindi pumapasok ng school. Sa susunod na year, papasok na nga ako.

Naalala ko yung bonding namin kahapon ni Kelsey. Sobrang saya nya talagang kasama. Sabi nya sa susunod dun naman na daw ako sa bahay nila. Ano kaya itsura ng bahay nila?

At dahil bored ako gumayak at nagbihis ako. Simpleng crop top, ripped jeans, at Vans lang ang suot ko. Dinala ko na din ang skateboard ko. Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagskate.

Agad akong nagpaalam kila Mommy at Daddy tsaka ako dumiretso sa park.

Malaya akong nagsskate sa park ng may biglang tao sa harapan ko.

"Hala! Umalis ka mabubunggo kita!!!" Lumingon sya pero bago pa sya makaalis ay huli na ang lahat. Nabangga ko na sya at pareho kaming tumaob.

"A-aray." Daing ko. Hinawakan ko yung siko ko kasi yun ang naitungkod ko.

"Ouch." Narinig ko ding daing nya. Agad naman akong tumayo at pinagpag ang damit ko.

"S-sorry! Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorr-" Tumayo sya.

"Hindi, ayos lang. Hindi naman masyadong masakit." Ngumiti sya. Kulay blue yung buhok nya. Matangos. Pero di sya gaanong kaputian. Matangkad.

"Blaze nga pala." Iniabot nya sakin yung kamay nya. Kinuha ko naman.

"Wendy." Ngumiti sya.

"Mag-isa ka lang?" Pinulot nya ang skateboard ko at iniabot ito sakin. Tumango ako.

"Ang cool mo naman. Bihira lang kaya magskate yung mga babae." Natawa naman ako ng mahina sa sinabi nya.

"Anong cool don e nabunggo nga kita? Sorry uli ha."

"Nako, wala yon. Sanay naman na kong nasasaktan." Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Hanggang dito ba naman may humuhugot?

"Joke lang. Pwede ba kitang samahan?"

"Ah eh, sige." Naglakad lang kami sa park ng bigla siyang magsalita ulit.

"Wendy, may boyfriend ka ba?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya.

"Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Akala ko kasi meron. Kanina pa kasi may sumusunod satin." Napalingon naman ako sa likod at nakita si... King?!

Lumapit ako kay King na kasalukuyang dumudutdot sa phone nya.

"Uy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Tiningnan nya lang ako saglit at binalik yung tingin nya sa phone nya. Aba. Naramdaman ko namang lumapit na sakin si Blaze.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Blaze. Bumalik na uli yung tingin sakin ni King. I mean, saamin.

"Who the fuck are you?" Halatang naiirita si King sa presence ni Blaze hindi ko alam kung bakit.

"Blaze Timothy Ferrer." At talagang sinabi nya buong pangalan nya?

"Wendy, why are you with that bastard?" Pinanlakihan ko ng mata si King. Napaka-rude nya talaga kahit kelan.

"Nabangga ko kasi sya kanina nung nagsskate ako. Ayon, hinayaan ko na siyang sumama sakin." Hinatak nya ko bigla.

"Hey. Let go of me!" Sigaw ko sakanya. Naglakad papunta sa gawi namin si Blaze at hinawakan ako sa kabila kong braso.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now