Chapter 21 - Peter Pan

60 2 0
                                    

Blaze's POV

Kakarating lang namin ni Wendy sa mansyon ni Davris. Pinaghintay ko muna sya sa may sala habang ako naman ay nagpunta sa loob ng kwarto ni Dav.

"Bakit mo sya dinala dito?" Naupo ako sa harapan nya.

"Ikaw ba ang nag-utos na pasundan sila Wendy at Kingsleigh?" Tumango sya.

"Ikaw din ang nagpakuha ng picture na 'yon diba?"

"Bakit? May problema ba sa ginawa ko?" Umiling ako. Kahit naaawa ako kay Wendy, wala naman akong karapatang umangal dahil inuutusan lang ako dito. Susunod lang ako. Tsaka, eto ang bumubuhay sakin.

"Kanina, nakita ko si Kingsleigh.." Napatigil sya sa pag-inom ng alak. "Binugbog nya yung kumuha ng litrato. Bakit napaskil pa yon sa bulletin board?" Ngumisi sya.

"Kahit patayin pa nya yung kumuha ng litrato na yon, mapapaskil at mapapaskil parin yon don."

"Paano?"

"Because I'm Davris Dale Jackson. I'm better than him." Napailing nalang ako sa sinabi nya.

"Call Wendy." Utos nya. "Gusto ko na siyang makausap." Tumango nalang ako tsaka pinuntahan si Wendy.

"Wendy, tara na?" Tumayo na sya sa upuan nya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nya sakin.

"Pinapatawag ka ni Davris. Gusto ka na daw nya makausap."

"Ah, sige." Sinundan nalang nya 'ko hanggang sa makarating na kami ulit sa office ni Davris.

"Dav, si Wendy," lumingon samin si Davris tsaka ngumiti.

"Oh, it's nice to see you again, Ms. Wendy." Ngumiti lang ng tipid si Wendy. Mukhang apektado parin sya don sa nakita nya sa bulletin board.

"Wendy nalang."

"Wendy, maupo ka." Yaya sakanya ni Dav. Naupo naman sya sa upuan na katabi ko.

"Blue, lumabas ka na muna."

"Ha?"

"Hindi mo ba narinig? Lumabas ka na muna." Tiningnan ako ni Wendy kaya nginitian ko lang sya.

"Iwan na muna kita, Wendy. Sa labas lang ako." Tumango sya.

Lumabas na 'ko ng office ni Davris at naghintay nalang sa sala.

Ano kayang pag-uusapan nila?

Wendy's POV

Nakatingin sakin ngayon si Davris habang hinihithit yung sigarilyo niyang ngayon lang nya sinindihan.

Hindi ko alam kung magsasalita ba 'ko o ano. Masyado kong naaawkwardan sa situation namin.

Hindi ko sya matingnan. Pero nasasagi ng mata ko ang itsura nya.

Mapupungay ang mga mata nya. Matangos ang ilong. Manipis ang labi at kilay. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba akong nararamdaman sakanya.

No, hindi yung pakiramdam na parang gusto ko sya. It's not like that. Yung pakiramdam ba na kailangang... layuan ko sya?

Basta. Hindi ko talaga maintindihan.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita sya.

"Matagal na kayong magkakakilala nila Kingsleigh?" Mababa ang boses nya. Ang hot nga kung tutuusin. Pero mas hot ang boses ni King. Joke. Ano bang sinasabi ko? Ew.

Wink of an EyeМесто, где живут истории. Откройте их для себя