Chapter 47 - His Plans

41 4 0
                                    

Blaze's POV

"Dial Hazel's number." Utos sakin ni Davris habang siya ay nakatutok nanaman sa laptop nya. Booked na agad ang flight namin papuntang Boracay bukas.

"Yung pinsan mo ba?" Tanong ko. Tumango sya. Dinial ko naman na agad ang number ni Hazel Lacson. Pinsang buo ni Davris. Ano naman kaya ang kailangan nya ngayon don?

[ Hello? ] Sagot nya.

"Uhm, Hi Hazel. Blaze speaking. Gusto ka daw makausap ng pinsan mo." Sabi ko naman sakanya.

[ Oh. Okay. ] Agad ko namang iniabot kay Davris 'yung phone.

"Hazel, yes, yes. I'm sorry, okay? Sobra akong naging busy these past few days..." Dinig kong sabi ni Davris sa phone.

"You really know me." Ngumiti sya. Ano kayang pinag-uusapan nila?

"Yes, actually, pupunta na 'kong Boracay para don. And..."

"I need your help." Ano naman kayang tulong ang kailangan nya?

"I need your Dad. Tito Vince."

"Actually, not just your Dad." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"I need the whole Jacksons." Ang ibig ba niyang sabihin, 'yung buong angkan nya? Para saan?

"I need back-up. Nararamdaman ko na, Hazel."

"Please, help me? Sige naman na." Hindi sinasadyang mailakas ni Davris yung speaker nang magsalita si Hazel. Galit 'yung tono nya.

[ Ano ba, Dav? Minsan nakakainis 'yung revenge mo eh. Pati buong Jacksons gagambalain mo just because you want to kill the girl who made you miserable when you were kids?! God, Davris! I can't believe you! Move on! ]

Anong ibig niyang sabihin? May gustong patayin si Davris na babaeng ginawa siyang miserable nung mga bata pa sila? Sino 'yon? Si Wendy ba 'yon?

Nagulat ako sa mga conclusions na nabubuo sa utak ko. Baka may nagawa noon si Wendy kay Davris at ngayong nagkita na sila uli ay balak niyang patayin si Wendy? Pero, ang sabi nya sakin kanina may napatay na siyang Wendy dati kaso hindi lang napagtagumpayan. Si Wendy Jadeson ba 'yon? Kung ganon, bakit hindi nya napagtagumpayan? Tsaka bakit... bakit hindi siya kilala ni Wendy?

Naaksidente na ba dati si Wendy tapos 'yun ang naging dahilan ng pagkawala ng memory nya? Kung bakit hindi nya maalala si Davris?

Ano ba 'yan. Hindi ko na alam kung tama pa ba 'tong mga naiisip ko o ano eh. Si Davris naman kasi ayaw akong kwentuhan. Hindi ko nga alam kung bakit niya hinahanap si Wendy ngayon e. Ang alam ko lang talaga na dahilan ay 'yun e dahil kay Kingsleigh. Dahil tingin nya si Wendy lang ang makakapagpabagsak kay Kingsleigh. Wait, si Kingsleigh nga ba? O si Alexander?

Napapikit ako ng mariin ng dahil sa mga naiisip ko. Ang sakit sa ulo! Hindi ako dapat nakikialam dito pero alam kong damay na ko.

"Hazel, this isn't just about what she did to my life years ago. This is about the fight between Fords and Jacksons!" Fight between Fords and Jacksons? Nanaman? Naalala ko nagkaroon din sila ng war noon dahil sa Zedgelical position na pinag-aagawan nila. Tapos ngayon ano namang meron? Anong connect ni Wendy sa mga nangyayari ngayon?

[ Anong meron sa Fords and Jacksons, Davris? ]

"Kilala mo naman si Kingsleigh Anderson diba?" Tanong ni Davris. Hindi ko mapigilang hindi makinig sa usapan nila ni Hazel.

[ I know him. But what's with him again? ]

"She's with Wendy." Nakng, involved talaga si Wendy dito! Si Wendy talaga ang involved dito. Ang kaisa-isang Wendellaine Jadeson. Pakiramdam ko ay alam ko na ang mga nangyayari. Nagkakadugtong-dugtong na lahat pero hindi padin malinaw.

[ And? ]

"Alexander. He's inlove with her. I bet he's looking for her right now."

[ Peter? ]

"Yes, Peter, Alexander." Ano bang pinagsasasabi nila? At sino naman ngayon si Peter?

"Peter Pan, we can bring him down just like that. At hindi lang siya ang babagsak. Kundi pati na rin si Kingsleigh na isa rin sa mga dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko." Isa rin sa mga dahilan si Kingsleigh kung bakit namatay si Tatiana? Paano? Ang labo naman!

[ So anong connect ng Fords and Jacksons dito? ]

"Hazel, tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan? Hindi na Faulkerson si Peter! Isa na siyang Ford at ngayon ay siya na si Alexander. At ang mga Ford, sila ang umagaw ng position ng Jacksons." Napanganga ako sa narinig ko. Si Peter ay si Alexander. Paano nangyari 'yon? E talagang nagreasearch ako tungkol kay Alexander. Siya si Alexander Damian Ford, ang anak nila Ramsen Ford at Jenille Ford. Siya din ang apo ni David Armeland Ford.

"Eto na ulit 'yung pagkakataong makaganti ang Jacksons sa Fords! Sa oras na mamatay ang kaisa-isang minamahal ni Alexander, manghihina sya at mawawalan na ng tagapagmana ang kumpanya ng mga Fords! At hindi lang 'yon, pati si Kingsleigh, sigurado akong mas lalong magiging miserable ang buhay nya. Biruin mo? Nagtaksil na sakanila 'yung nanay nya, mamamatay pa 'yung babaeng mahal nya. Tragic, right? Isa pa, maipaghihiganti ko na si Tatiana."

Wait, ano daw? Nagtaksil pala ang Nanay ni Kingsleigh sakanila? Hindi ko 'yun alam.

[ Bakit ba pinapahaba mo pa, Davris? Pwede mo namang patayin nalang ng diretso si Alexander!" Sigaw ni Hazel sa kabilang linya.

"Gusto ko din patayin si Wendy. She made me feel unwanted when we were younger. Pati kapatid ko at mga kaibigan ko naagaw nya. She deserve whatever will happen to her."

[ What you're planning is war, Davris. Gulo 'yan! Gusto mo bang makulong ha? You're planning to kill a woman that doesn't even know anything! She can't remember right? ]

"Yun na nga, this is war. And that is what I want, Hazel. Gusto ko ng gulo. And I'm going to do this nice and slow..." Nakita kong ngumisi si Davris. "And yeah? Hindi makaalala si Wendy? So be it! Gusto kong pahirapan siya sa kaiisip kung sino ba talaga sya at kung ano nagawa nya sakin. Tapos kung ang inaalala mo ay baka makulong ako, no Hazel. That won't happen. Hindi gugustuhin ng mga pulis na ikulong ako dahil sa oras na makapasok palang ako sa loob ng mga bakal na 'yon sa preso, buhay na agad nila ang nakataya. They won't dare to mess with a Jackson. Fords lang talaga ang nagkaroon ng lakas na kalabanin tayo." Napatingin si Davris sa gawi ko kaya agad ko binaling yung paningin ko sa laptop na nasa harapan ko na ngayon.

"So, ano? Will you help me?" Saglit na nagkaroon ng silence sa kabilang linya.

[ Wala naman akong magagawa diba? At sa oras na masabi ko kila Dad ang plano mo, hindi na magdadalawang isip 'yun at papayag sa gusto mong mangyari. ]

"That's good. Aasahan ko 'yan. Just call or text me as soon as possible kung okay na." Narinig ko ang mga hakbang ni Davris papuntang gawi ko. Napalunok ako. Alam kong alam niya na may mga narinig ako.

"Alam kong may alam ka na at hindi ko na 'yon idedetalye pa lahat. All I need you to do right now is to keep your mouth shut or else... isasabay kita sa pagpatay kay Wendy." Kinilabutan ako sa binulong ni Davris sakin kaya naman wala akong ibang nagawa kundi tumango.

Damay na damay na talaga ako dito. Jusko, Blaze. Sumama ka lang kay Davris noon para mabuhay ka. At sa tingin ko si Davris din ang magiging dahilan ng pagkamatay mo ngayon.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now