Chapter 32 - Tagaytay Trip (Day 3 pt. 1)

76 2 1
                                    

Kelsey's POV

"Pinatay mo si Delai!" Hinampas ko sya ng hinampas habang iyak padin ako ng iyak.

"Kasalanan ko bang tanga 'yang kaibigan nyo? Bakit kasi sumama sama sya kay Mang Eduardo e alam naman niyang may sira ulo non!" Sigaw nya pabalik.

"Hindi naman sya sasama kay Mang Eduardo kung hindi mo sya dadalin don! Isinakay mo sya sa kotse, Dav! Hindi ako makapaniwalang ginawa mo 'yon!" Iyak ako ng iyak. Ang sakit sakit ng dibdib ko...

"K-kuya.. Bakit mo naman ginawa 'yon?" Umiiyak na sabi ni Tatiana. Tiningnan lang sya ni Davris.

"Kuya? At ang lakas ng loob mong tawagin pa akong kuya e hindi mo na nga ako tinuturing na kapatid! Kasi ano? Kasi may Delai ka na!"

"Hindi yan totoo!" Sigaw pabalik ni Tatiana. Nandito kami ngayon sa bahay nila Tatiana. Kakasabi lang samin ng Daddy ni Delai na... patay na sya

"Yun ang totoo, Tatiana! Mas tinuring mo pa bilang kapatid 'yang Delai na yan! Nawalan ka na ng pake sakin!"

"Davris ano ba, tama na! Hindi ka nakakatulong!" Sigaw ni Caelin.

"Umalis na si Alexander, pati si Delai nawala na din saatin!" Humagulgol na si Tatiana.

"Babalik si Alexander. Kinailangan lang nya umalis saglit para makarecover! Ang dami na niyang pinagdadaanan ngayon." Sabi naman ni Dixon.

"Pero ako din naman nawalan! Bakit sya lang ang aalis? Ang unfair nya! Iniwan nya ko dito!" Umiiyak kong sabi. Iniwan ako ni Kuya Alex... para makarecover? Sa tingin nya ba hindi ako nasasaktan sa mga nangyari?

Si Mommy't Daddy namatay tapos eto naman ngayon. Si Delai naaksidente. Ang sakit sakit na! Ang bata ko pa para pagdaanan 'to pero bakit ganito!!!

"Ako ba hindi nasasaktan ngayon? Kung tutuusin ako pinaka nasasaktan sainyo eh! Pinaramdam nyo sakin na wala akong kwenta!" Sigaw nanaman ni Davris.

"Manahimik ka na nga, Davris! Hindi ka nakakatulong!" Natahimik siya nung sumigaw si Vaughn.

3:53am na pero fresh na fresh parin sa utak ko lahat ng pinagdaanan namin nung mga bata pa kami.

Nung mga bata kami, close na close kaming lahat. Wala pang rival between Kuya Alex at Davris. Kasi iba pa ang apelido nila noon.

Isa pa, mga bata palang kami. Ang maglaro at magtawanan lang ang hilig naming gawin noon.

Hanggang sa dumating nga yung araw na nagawa ni Davris 'yon kay Delai ng dahil sa sobrang galit at selos nya.

Ang aga tuloy nawala samin ni Delai...

Pero lumipas ang maraming taon, nagkaayos-ayos na din kami. Naging magkakaibigan ulit kami. Pero hindi ibig sabihin non, hindi na ako galit kay Davris. Galit na galit padin ako.

Akala ko yun na ang huling away namin, pero hindi pa pala.

Simula nung magkaroon kami ng mga bagong pamilya, nag-iba bigla ang ikot ng mundo. Hindi naman kasi namin akalain na ang pamilyang mapupuntahan namin ay ang pamilyang magkaaway din pala.

Fords and Jacksons.

Pinagbawalan na kaming makipagkita ni Kuya Alex kila Davris. Pero hindi sya natinag. Minahal na din nya si Tatiana kahit paano. Pero hindi parin nya nakakalimutan si Delai.

Si Delai... sya ang first love ni Kuya Alex. And she will always be the one he loves the most.

Ayon nga, Kingsleigh came. At dun na naganap ang sulutan.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now