Chapter 38 - His Confession

34 3 0
                                    

Caelin's POV

"Hi, Kuya!" Masiglang bati ng kapatid ko sa kabilang linya. Nasa school sya ngayon at lunch nya na. Nakasanayan naming dalawa ni Skye na tatawag sya sakin kada break time nila para masigurado kong ayos lang sya.

"Hello, Skye. Kumain ka na ba, bunso?" Tumawa sya. Mukhang kasama niya yung mga kaibigan nya.

"Opo, Kuya. Kumain na kami nila Meg at Shara."

"Mabuti. Basta susundin mo lagi bilin ni kuya, ha? Mag-aral mabuti at wag sasama kung kani-kanino." Bilin ko.

"Ay Kuya, kanina nga pala.." medyo humina boses nya. "Nagpunta dito si Daddy.." Napatayo ako sa upuan ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Ano? Nagpunta si Ricardo dyan?"

"Ah, eh, kuya. Bye." May narinig akong kung ano sa kabilang linya.

"Teka, Skye. Pupunta-"

"Shit." Sabi ko ng mawala na 'yung call.

Nagpunta don si Ricardo?

Baka i-brainwash nanaman sya non!

Kumaripas agad ako papuntang kotse ko. Pupuntahan ko si Skye sa Ford University.

Nang makarating ako don ay agad-agad akong nagtanong kay Mang Berto, 'yung guard.

"Mang Berto, si Skye?" Kinakabahang tanong ko.

"Nasa klase na nya, Caelin. Kasama niya yung mga kaibigan nya. Bakit?" Agad nawala 'yung kaba ko ng sabihin nya 'yon.

"Nagpunta ho ba dito 'yung magaling kong tatay?" Tanong ko. Oo, kilala nya si Ricardo. Madalas kong mapagkwentuhan si Mang Berto kasi mabait talaga sya at binibigyan din nya 'ko ng mga paalala.

"Ah, oo. Pinuntahan nya si Skye."

"Pinapasok nyo ho?"

"Pasensya ka na, Caelin. Sasaksakin nya ako kapag di ko sya pinapasok. Alam mo namang kailangan ako ng anak at asawa ko."

Akmang sasaksakin sya?

Shit.

"Ah eh una na po ako Mang Berto!" Nagtatakbo ako papunta sa room ni Skye. Kumatok ako don.

"Si Skye po?" Tanong ko ng pagbuksan ako ng pintuan nung teacher.

"Sinundo sya nung Tatay nya." Fuck.

"Ngayon ngayon lang?" Tumango sya. Hindi pa 'yon nakakalayo.

Mautak si Ricardo. Pati si Mang Berto naloko nya. Paniguradong don sila lalabas sa likod ng FU.

Nagtatakbo ako don.

Ngunit imbis na si Ricardo ang maabutan ko sa labas. Ibang tao ang naabutan kong kasama ni Skye.

"Davris." Ngumisi sya. Tumakbo si Skye papunta sa gawi ko.

"Sinaktan ka ba nya?" Umiling sya. Tumingin ako kay Davris habang hawak-hawak ko si Skye.

"Nasaan si Ricardo?"

"Kanina ko pa sya pinaalis." Ngumisi sya.

"Nagpanggap kang tatay ni Skye?" Mas lumaki ang ngisi nya.

"Skye, bakit sumama ka sakanya?" Tanong ko kay Skye pero yumuko lang sya.

"Tara na." Yaya ko kay Skye. Tumalikod na kami at naglakad palayo.

"Hindi sya patay." Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin nya 'yon.

"Buhay sya, Caelin." Humarap ako sakanya.

Wink of an EyeKde žijí příběhy. Začni objevovat