Chapter 43 - Boracay

23 3 0
                                    

Wendy's POV

"Welcome to Boracay, Ma'am and Sir!" Bati nung babaeng sumalubong samin sa pagbaba namin sa private plane. Ngumiti ako sakanya pero si Kingsleigh ay nilagpasan lang sya.

"Sorry, miss, suplado talaga 'yon." Bulong ko sakanya pero nginitian lang nya ko tsaka tumango.

Sinundan ko na si Kingsleigh na suot-suot yung wayfarers niya habang nakapamulsa. Ang bilis nya talaga maglakad. Kaya naman parang patakbo ko na rin siyang hinabol.

"Hey." Sabi ko habang hawak-hawak ang maliit kong bag. Pinabuhat kasi nya dun sa mga guards 'yung ibang bag ko na siya mismo ang bumili. Binilan na din nya 'ko ng mga damit na isusuot ko sa paglalayas kong 'to.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Tinuro naman nya 'yung resort sa harap ko.

Oh.

Lumierdè Beach and Resort

"Lumierdè?" Tanong ko sakanya. Tumango lang sya.

"Kay Devon ba 'tong resort na 'to?"

"Her family does." Tipid niyang sagot.

Ang yaman talaga ni Devon. Nakakatuwa naman. Paniguradong proud na proud ang Daddy nya sakanya.

Naalala ko nung may nabasa akong article tungkol sakanya. Sabi nya don na gusto niyang gawing proud ang Daddy nya sakanya. Well, I'm sure he is. Lahat ng natatanggap ni Devon ngayon ay dahil 'yon sa pagsisikap nya.

"Hey." Tawag sakin ni Kingsleigh. Nakarating na pala kami don sa loob ng resort ng hindi ko man lang namamalayan.

"Reservation for Anderson." Sabi lang ni Kingsleigh nang makarating kami sa front desk.

"Okay, sir. Wait lang po." Hindi na sumagot si King.

Maya-maya lang inabot na samin nung babae 'yung susi ng kwarto.

"Wait.." Tawag ko kay King. "Bakit isang susi lang? Isang kwarto lang tayo?" Ngumisi sya.

"Ano? Isang kwarto lang tayo?" Tumawa sya ng bahagya tsaka ako tinalikuran. Aba at!

Hinabol ko sya papasok ng elevator. Yung dalawang guards na nakasunod samin napagsaraduhan.

"Hoy, bakit isang susi lang 'yan?" Tanong ko ulit sakanya.

"Because it's not two." Pamimilosopo nya.

"Sagutin mo nga ako ng maayos. Bakit isang susi lang 'yan? Hindi pwedeng magkasama tayo sa iisang kwarto!"

"And why not?" Tanong nya tsaka humarap sakin. Nagulat ako sa biglaan niyang pagharap.

"Kasi.. Kasi hindi pwede!" Naglakad sya palapit sakin. Umatras naman ako ng umatras habang sya ay palapit parin ng palapit.

Pang-ilang floor ba kami at parang sobrang tagal naman ata? Jusko.

"Why not?" Kinulong na nya 'ko sa mga braso nya. Ang babaw ng boses nya. Sobrang husky. Yung tipong iisipin mong nang-aakit sya pero ang totoo lang ay nang-aasar lang sya. Na-corner nya na 'ko. Naiilang akong tumingin sakanya.

"Kasi babae ako at lalaki ka." Di ako makapaniwalang nasabi ko 'yon ng hindi man lang nauutal.

"That's not a case." Ngumisi sya.

"Anong that's not a case! Nasisiraan ka na ba?"

"Do you think I'll take advantage of you?" Tiningnan nya ko mula ulo hangga't paa. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now