Chapter 53 - Unbelievable Truth

34 2 0
                                    

Davris' POV

Narinig ko nanamang nagring 'yung phone ko. Agad ko itong sinagot.

[ Mr. Jackson, natrack na po lahat ng resorts and hotels dito sa Boracay. ] Sabi nya sa kabilang linya. Siya ang inutusan kong itrack ang lahat ng resorts and hotels para mahanap na kung saan nagtatago sila Kingsleigh at Wendy.

"Well, did you find him?" Tanong ko kay Farren.

[ Yes, Sir. He's in Lumierdé Beach and Resort. ] Napangisi ako sa sinabi nya sakin. Dun lang pala sila nagtatago.

"Alright, thank you Farren." Binaba ko na 'yung tawag at humarap kay Blue.

"Blue, ihanda mo na ang mga gamit mo. Aalis na tayo dito." Utos ko sakanya. Tiningnan nya ko.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" Ngumisi uli ako.

"Lumierdé Beach and Resort." Kumunot ang noo nya.

"Anong gagawin natin don?"

"Natrack na kung nasaan si Kingsleigh. Nandon siya." Napatayo siya mula sa kama tsaka niya ko nilapitan.

"Seryoso ka ba?" Tumango ako.

"Dalian mo na at may date tayong sisirain."

-

Wendy's POV

Magkahawak kamay kaming dalawa ni Kingsleigh habang naglalakad sa may gilid ng beach. Medyo lumiliwanag na.

"Hindi ka talaga babalik ng Manila?" Tanong ko sakanya. Umiling siya.

"Nope." Tipid niyang sagot.

"Sure ka?" Tiningnan nya 'ko.

"I'm sure." Magsasalita pa sana ako pero nilagay na nya 'yung index finger nya sa bibig ko. "I'm not going anywhere, Wendy. I'm just here. I'll stay with you." Tumango nalang ako sa sinabi nya.

Naglakad lang kami ng naglakad don ng napagdesisyonan kong magkwento sakanya.

"Alam mo ba nung bata ako, ayaw na ayaw ko sa gravity." Sabi ko.

"That's weird. Why?" Natatawang sabi nya.

"Kasi gusto ko lumipad." Nakangiti kong sabi. "Tapos nagalit pa ko 'non kay Daddy nung pinababa nya ko sa bubong." Kumunot ang noo nya.

"You went up to the roof?" Tumango ako.

"Tatalon na dapat ako pero ayon nga, pinababa nya ko. Galit na galit ako sakanya non."

"Why would you jump off the roof? You're really stupid." Hinampas ko siya pero tumawa lang siya.

"Bata pa kasi ako 'non. Akala ko kasi kapag tumalon ako sa bubong, lilipad ako." Natatawang sabi ko.

"Wendy, get down!" Dinig kong sigaw ni Daddy mula sa baba. Tumingin ako sakanya.

"Daddy, watch me. I'm gonna fly!" Itinapak ko na 'yung right foot ko sa dulo ng bubong. Nanlaki ang mata ni Daddy ng gawin ko 'yon.

"Wendy! Umatras ka dyan. Bumaba ka na, baby.. You can't fly." Nag-aalalang sabi nya. Umiling ako.

"No, Daddy. Sabi ni Peter, makakalipad daw ako!" Confident kong sabi. Umiling nanaman siya.

"Wendy, get down. Baka mapano ka pa." Itinapak ko na ang kabila ko pang paa sa dulo ng bubong. Napasabunot si Daddy sa buhok nya.

"Wendy, get down! Kapag hindi ka bumaba, magagalit ako sayo!" Dinig kong sigaw nya.

Wink of an EyeWhere stories live. Discover now