Chapter 33 - Tagaytay Trip (Day 3 pt. 2)

56 3 0
                                    

Davris' POV

"Bwiset." Sabunot ko sa sarili 'ko.

"So ano tatanga lang tayo dito?" Inis kong sabi kay Blaze na ngayo'y tahimik na nagcecellphone. Ihagis ko pa 'yang cellphone nya eh! Kanina pa sya hindi makausap.

"Kingina naman, Blue. Tititig ka nalang ba maghapon dyan sa hayop na cellphone na 'yan?" Agad niyang binitawan 'yung phone nya at tumingin sakin.

"E ano ba kasing gusto mong mangyari, ha Davris? Nagpunta tayo dito para ano? Ikaw ang nagyaya dito. So I'm expecting you na may plano ka na." Nainis ako lalo sa sinabi nya.

"Sino ba boss dito ha?" Natigilan sya.

"Ikaw."

"O e ako naman pala. Kaya wala kang paki kung gusto kong pumunta dito."

"Pero ano nga kasing plano mo?" Napaisip ako sa tanong nya.

"Nalaman ko sa mga make-up artists na nandito, bukas pa sila uuwi. And I think they'll spend this day na magsaya." Dagdag pa nya.

"Edi guguluhin natin sila."

"Seriously, Davris? Yan ang plano mo?"

"Actually, I want to make the bad boy angrier." Kumunot ang noo nya.

"Paano?"

"Just watch and learn." Ngumisi ako at tinaas ang dalawa kong paa sa lamesa. Napailing nalang sya.

-

Wendy's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Kelsey. Nakatulala. Kanina ko pa iniisip 'yung kanina. Hinalikan nanaman nya 'ko. Ang hilig-hilig niyang maghalik. Nakakainis!

"Wends!" Nagulat ako ng may biglang tumalon sa kama ko.

"Uy, Kelsey." Tipid kong bati sakanya. She rolled over the bed.

"What's up?" Sabi nya habang nakatingin sakin.

"Nothing." Pinikit ko yung mga mata ko.

"You're missing the fun!"

"Dapat di nyo nalang ako sinama, eh."

"Bakit naman? Ang saya kaya! Hindi ka ba nag-eenjoy?" Hindi ako sumagot.

"Is this about Kingsleigh?" Napadilat ako ng banggitin niya 'yung devil na 'yon.

"You like him, don't you?"

"What?"

"Gusto mo si Kingsleigh, diba?" Gusto ko ba si Kingsleigh?

"Kung hindi si Kingsleigh, ode ang kapatid ko?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Umupo sya. Sinenyasan nya din akong maupo. Sumunod naman ako.

Hinawakan nya ko sa magkabilang braso. "Wendy, sino ba sakanilang dalawa ang gusto mo? Si Kingsleigh o ang Kuya ko?"

May gusto na ba ko sa isa sakanila?

Ang bilis naman!

"Uhm... wala." Sagot ko. Wala naman talaga. Ang aga ko namang magkagusto kung ganon. Tsaka ano ba. Kung magkakagusto ako, aba e hindi kay Alexander at lalong-lalo ng hindi kay Kingsleigh!

"Are you sure?"

"Oo naman! Sure na sure. Tsaka ano ka ba naman, Kelsey. Ang bilis naman." Ngumiti sya ng nakakaloko.

"So may chance?"

"Huh?" Mas lalong lumaki ang ngiti nya.

"Sabi mo kasi ang bilis naman. So kapag nagtagal ba, may mapipili ka na sakanila?" Nanlaki ang mata ko.

Wink of an EyeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora